MAGIGISING

513 13 0
                                    

Yaz feel be like

Sa pagluha ay mapapagod din ako,
Magigising na mahalaga ang tulad ko,
Wala nang sakit pang iindahin,
Sarili sisimulan nang unahin.

Magigising na ayos na ko,
Na may karapatan na unahin naman ako,
Magigising na akin na palang kaya,
At may dahilan para muling maging masaya.

Magigising din ako sa aking pagkakamali,
Uunahin patawarin ang aking sarili,
Kung sakali kami ay muling magkita,
Makakayanan na itanong na kumusta.

Mawawala rin ang pait,
Maglalaho rin ang sakit,
Tiwala lang na magiging sapat,
Naniniwala na magiging isang karapat dapat.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now