TANGGAP NA

499 12 0
                                    

Yaz feel be like

Kahit na ako ay nasasaktan,
Wala kong balak na ika'y kalimutan,
Kahit na puso ko labis ng sugatan,
Sa puso ko ay hindi ka na papalitan.

Aalagaan na rin ang iyong alaala,
Kahit hirap pa rin magsimula,
Kahit pa tuluyan mong binalewala,
Sa puso ko at isip ko ay hindi ka na mawawala.

Sabihin na ako ay isang tanga,
Oo na minsan ako ay isang gaga,
Wala ng paki kung mata ay namamaga,
Mahal kita, iyon sa akin ay mahalaga.

Hindi na maghihintay na masusuklian,
Tanggap na ang pagiging talunan,
Tanggap na wala lagi sa pagpipilian,
Tanggap na sa huli ako lang ang luhaan.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now