Chapter 52

315 14 0
                                    

Yaz feel be like

Mas mauuna ang aming bakasyon,
Dahil sa kanilang tradisyon,
Ayos lang naman sa akin,
Basta kami ay ikakasal pa rin.

Sa pagplano ng lahat ay tinanong ko s'ya,
Bata pa lang daw s'ya iyon ang sagot n'ya,
Nong ako raw kanyang makilala,
Kanyang pagpapagawa doon nagsimula.

Ginusto n'ya raw ako mapangasawa,
Puso ko ay nakaramdam ng tuwa,
May gusto na s'ya sa akin noon,
At inamin n'ya ito ngayon.

Hindi man n'ya ko niligawan,
Ngayon daw n'ya gagawin halatang napipilitan,
Ako raw pinakamaganda sa nagkagusto sa kanya,
Sabi ko pati iyon ay napansin pa talaga n'ya.

Muntik na pala s'ya magkagusto kay Keziah,
Hindi n'ya masagot kung nagustuhan n'ya,
Kaya naman  ako ay napatayo,
Pinagtatawanan pa n'ya talaga ko.

Iyon daw ba ay pag-aawayan namin,
Niyakap n'ya ko at natatakot s'ya kanyang pag-amin,
Ayaw n'ya maulit na iwan ko na naman s'ya,
Kaya muli akong nangako sa kanya.

Habang kami umiinom ay nagkukuwentuhan,
Nagtatawanan kami at nagkakaintindihan,
May tamang oras talaga sa lahat ng bagay,
Hanggang sa pumasok na kami sa loob ng bahay.

Kami na lang mga naiwan,
Pag-alis nila hindi namin namalayan,
Doon daw kami matutulog sa aming kuwarto,
Natouch ako nandoon lahat ng bagay na aking gusto.

Iba talaga magmahal ang isang Del Valle,
Masasabi ko na ako ay napakasuwerte,
Pagkatapos n'yang maligo ay sumunod ako,
Nilamig ako ng pagkalabas ko ng banyo.

Hininaan n'ya agad n'ya ang aircon,
Nagpapahid pa ko nang sandali na 'yon,
Sinabihan n'ya ko na aking bilisan,
Iyon pala gusto n'ya, s'ya'y aking halikan.

Hanggang sa ako ay hindi na n'ya pinakawalan,
Sa kanyang ginawa nag-init aking buong katawan,
Ito ang unang beses na 'di kami gumamit ng proteksyon,
Nagustuhan n'ya lalo ang ginawa namin ngayon.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now