SANDALING ALAALA

518 13 0
                                    

Yaz feel be like

Ano ang tanging laban ko,
Ay minamahal kitang totoo,
Sa susunod magmamahal na ng buo.

Ikaw pa rin ang inspirasyon,
Ikaw pa rin ang sentro ng determinasyon,
Kahit sa 'yo balewala na ko ngayon.

Aalisin sa sarili ang mga agam-agam,
Susubukan na maging walang pakialam,
Upang gumaan ang aking pakiramdam.

Puso ko dinadalangin maging manhid,
Luha sa aking mga mata napapagod ng magpahid,
Ang hindi muli piliin sakit ang s'yang hatid.

Umaasa lamang pala ko sa wala,
Ang totoo pala ako ay balewala,
Salamat na lang sandaling alaala.

Sandaling alaala na niyakap mo,
Sandaling alaala na minahal ako,
Sandaling alaala na masaya tayo.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon