LOVE WITHOUT LIMITS

266 7 0
                                    

Istoryang hindi inaasahan,
Na nagdulot ng kasiyahan,
Istoryang na nagpagulat,
Sa mambabasa ni Maxine Lat.

Istoryang nagpatibok ng puso,
Dalawang karakter na noon ay tinutukso,
Sa kabila ng kanilang 'di pagkakaintindihan,
Puso't damdamin pala ay nagkakamabutihan.

Silang dalawa ay nagkakilala,
Sa pamamagitan ng mga kapatid nila,
Noong una ay hindi nagkakasundo,
Ngayon ay nagmamahalan ng todo.

Sa simula nang kanilang istorya,
Akala isa't isa kayang bigyang laya,
Sa kanila may naging kulang,
Kaya sa pagsubok muling sumalang.

Isa't isa ay kanilang binuo,
Isa't isa ay minamahal nila ng totoo,
Isa't isa ay kanilang inspirasyon
Isa't isa ay mahal na walang limitasyon.

Love without limits ang pamagat,
Ang una sa kanyang isinusulat,
Sa Love trilogy na sinusulat n'ya,
Dadagdag sa 'di malilimutan n'yang istorya.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon