LWL

130 1 0
                                    


May lihim na paghanga akong nadarama,
Sa isang tao na wala kong pagkakataon makasama,
Paano mo nga ba malalaman na s'ya na nga?
At ang nadarama mo pala ay higit pa pala sa paghanga.

Ang makasayaw s'ya ang isa sa aking pangarap,
Na kaming dalawa ay nakangiting magkaharap,
Nasa piling ko ay pakiramdam n'ya tila s'ya'y nasa alapaap,
Kahit na batid ko naman iba ang kanyang hinahanap.

Naaaninag kaya n'ya ang lungkot sa aking mga mata,
Nararamdaman n'ya ba ang lumbay sa tono ng aking pagsasalita,
Ayoko naman nasa akin ay tuluyang mailang s'ya,
Pero mahirap ng pigilan ang nadarama ko para sa kanya.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon