IKAW ANG DAHILAN

357 1 1
                                    

Maxwell feel be like

Pangarap ko noon malabo na mabuo,
Nang makilala ka nais nang magkatotoo,
Pinangarap  ko na sana ika'y maging akin,
Lahat ng bagay para sa 'yo handang hamakin.

Hindi pa nagkagusto ng ganito,
Nais kang pagmasdan ng ilang minuto,
Maganda mong mukha aking kinabisa,
Isinantabi saglit ang aking binabasa.

May pagkakataon nais nang sumuko,
Lalo na kung ang masasaktan ay kapatid ko,
Hindi ko na mapigilan ang aking pag-iyak,
Isipin na iiwan mo puso ko tila nabibiyak.

Napagtanto na hindi ko pala kaya,
Ang tanging nais ako ang dahilan kung bakit ka masaya,
Huminto ang mundo ko nang minsan kang pakawalan,
Kaya ipinapangako sa sarili 'di ka na bibitawan kahit kelan.

Marahil ito ang pinaka masaya kong kapalaran,
Nang maging tayo mga pangarap ko ay naisakatuparan,
Masasabi ko na ganap na kumpleto na ko,
At nagpapasalamat sa paghihintay sa akin 'di ka sumuko.

Ilang beses man sinubok ang pagmamahalan natin,
Pangarap natin ay magkasabay na nating aabutin,
S'ya ang dahilan kung bakit tuluyang masasabi na ako'y buo,
Bunga ng ating pagmamahalan na wagas at totoo.

Ikaw ang dahilan kung bakit nabuo,
Ikaw ang dahilan kung bakit sa sarili nagpakatotoo,
Ikaw ang dahilan nang makulay kong buhay,
Ngayon magsisimula ang ating panghabambuhay.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now