ZAIMIN YAZ

249 6 0
                                    

Isang magandang babae,
Na mataray at maarte,
Iba kapag nagseryoso,
Mas sinusunod ang puso.

Para sa mahal walang alinlangan,
Nandiyan kapag s'ya'y kailangan,
Lahat ay handa n'yang ibigay,
Maski ang sarili n'yang buhay.

Hindi ka basta bibitawan,
Hindi ka basta iiwan,
Handang maghintay,
Nagmamahal ng walang kapantay.

Hindi basta sumusuko,
Hanggat kaya paninindigan ang pangako,
S'ya si Zaimin Yaz,
Kung magmahal ay wagas.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon