LWL

259 14 0
                                    

S'ya ba talaga,
Ang iyong binabangga?
Nagsama ka pa ng kasangga,
Ang tanong mayroon ka pa bang ibubuga?

Damhin ang sugat na iyong natamo,
Hinahamon ay makikita mo,
Kung mabangis na hayop ay kanyang napaamo,
Magbilang ka na at mag-isip nang pagsusumamo.

Sino sinasabi mong mahina?
Isip mo pa ba ay nagana,
Kampihan ka man muli ng reyna,
Kasakiman mo ay matatapos na.

Nais mo nang bakbakan,
Tumayo ng tuwid sa iyong tinatapakan,
Humanda ka lalo sa malupit na tadyakan,
Kaharap mo ay mula sa kinatatakutang angkan.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now