Chapter 33

15.9K 142 4
                                    

Yaz feel be like

Pinapanood ko s'ya,
Habang mga bata ay kinakausap n'ya,
Napakasuwerte ko sa kanya.

Hindi lamang pagkain,
S'ya pala ay may mga kasama rin,
Kaya gumaan ang trabaho namin.

Inaasikaso ko s'ya habang kumakain,
Wala kong pakialam sa mga nakatingin,
Gusto ko s'yang asikasuhin.

Tinulungan ko raw s'ya,
Kaya ako ay tinutulungan n'ya,
Walang paglagyan aking saya.

Gusto n'ya raw ang babaeng matulungin,
Kaya raw mas nainlove s'ya sa akin,
Hindi ko mapigilan ang hindi kiligin.

Nagpakitang gilas ako sa kanya,
Pero sa pangatlong bata ako'y tinulungan n'ya,
Hanggang ang mission namin ay natapos na.

Saan kami natutulog ang tanong n'ya,
May dala raw s'yang yate, nagulat ako sa kanya,
Tinanong ko pa kung seryoso ba s'ya.

Napahanga ko sobra n'yang galante,
Sumakay kami sa kanyang sariling yate,
Sabi pa n'ya sa 'kin "Your Own Del Valle".

Nalaman ko nangyari sa lola n'ya,
Dahilan para malungkot at masaktan s'ya,
Natatakot ako kay Hwang pag amin ko sa kanya.

Kinabukasan ang haba raw ng tulog ko,
Sa pinuntahan namin ay namangha ako,
Napakaganda talaga sa islang ito.

May bitbit s'yang camera na ikinagulat ko,
At todo pose naman talaga ako,
Niyaya ko na rin s'ya lumangoy dito.

Ang camera n'ya na sobrang mamahalin,
Iniwan lang n'ya sa may buhangin,
Kakaiba talaga sila kung iisipin.

Lumangoy kaming dalawa, isa't isa nagawa namin salubungin,
Si Doc Caleb ang naging photographer namin,
Kuha nito sa amin ay madami dami rin.

Umiral na naman ang pagiging pilyo n'ya,
Sabi ko kay Maxpein ay isusumbong ko s'ya,
Hanggang nawala ang aking nadaramang saya.

Mag-aral ng korean, ako raw aykanyang tuturuan,
Pero ang tungkol sa kasal ay hindi pa namin napag uusapan,
Sa mga kasamahan namin s'ya ay nakipagkuwentuhan.

Hanggang sa makauwi kami sa penthouse n'ya,
Makakakain ay ipinagluto ko pa s'ya,
Ramdam ko pa rin ang pagkainis ko sa kanya.

Hindi ko maiwasan isipin na hanggang yaya lang ako,
Ang pakasalan ako ay hindi pa s'ya sigurado,
Hindi lang unang beses nangyari sa akin ito.

Galit na naman daw ba ko sa kanya,
Ayoko munang kausapin s'ya,
Ako ay tinabihan n'ya.

Nagpaalam na s'ya na magtratrabaho,
Hindi n'ya ramdam na nagpapanggap na tulog lang ako,
Bago umalis ay hinalikan n'ya ko.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now