LWL

442 15 0
                                    

Ilang beses man itago,
Damdamin ko ay 'di magbabago,
Ilang beses man tayo nagkalayo,
Puso kong ito ay iyong iyo.

Ako'y nananatiling naniniwala,
Nasa puso ko ay hindi ka mawawala,
Mananatili sa aking mga alaala,
Kung paano tayo nagsimula.

Pag-ibig ko sa'yo ilang beses mang subukin,
Nagtitiwala ako na ako'y para sa 'yo at ika'y akin,
Pagsubok ilang beses man tayo hamunin,
Handa akong suungin kahit buhay ko man kunin.

Walang limitasyon ang pag-ibig ko sa 'yo,
Malalagpasan natin anumang bagyo,
Higpitan mo ang hawak sa kamay ko,
Sabay na tayo lalaban at hindi susuko.

Umibig na walang takot atin nang sisimulan,
Damdamin natin hindi na pipigilan,
Malayo ka muli sa akin ay hindi ko hahayaan,
Makakaasa ka na hindi kita pababayaan.

Tatapusin na natin umibig na may takot,
Dito ka lang sa aking tabi huwag ng malungkot,
Narito ang mga kamay ko handang umabot,
Pag-ibig nating walang limitasyon ang s'yang sasagot.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now