LOVE WITHOUT LIMITS

272 5 0
                                    

Hindi ko na maalala,
Kung kelan eksaktong nagsimula,
Nagsulat ng mga tula.

Akin na lamang namalayan,
Mula noon hanggang sa kasalukuyan,
Mga istorya n'ya ang pinag- aalayan.

Natapos man ang isa,
Mayroon naman nag-umpisa,
Na alay sa kanyang mambabasa.

Ilang beses man n'yang inalis,
Kami ay hindi n'ya natiis,
Kaya salamat ng labis.

Mula noon hanggang ngayon,
Nananatiling s'ya ang inspirasyon,
Dalang-dala pa rin sa emosyon.

Hindi titigil sa pagtitipa,
Hanggang may salita pang nakakapa,
Sige pa rin sa paglikha hanggat kaya pa.

Pasasalamat sa kanya ay walang limitasyon,
Maraming salamat sa patuloy na inspirasyon,
Hinahangaan ka hanggang ngayon.

Salamat sa pagpukaw sa aming damdamin,
Inspirasyon ka para sa amin,
Mahal na mahal ka namin.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon