LOVE WITHOUT LIMITS

329 11 0
                                    

Mag-ingat ka sa bawat paghakbang,
'Di mo pansin ang nag-aabang,
Kaharap mo isa na sa mayabang,
Baka mamaya bigla kang gumewang.

Damhin ang lamig ng hangin,
Hindi ito kita ng iyong paningin,
Matalim man ang iyong tingin,
Kaya ka n'yang salubungin.

Talasan ang iyong pangdama,
Baka 'di lang sipa sa'yo ay tatama,
Mabilis ka man tumalima,
Humanda sa mas masakit natatama.

Tibayan ang iyong pagkakatapak,
Baka ikaw ay masapak,
Hindi ka na makakahalakhak,
Kahit pa ang makapalakpak.

Kaharap mo ay iyong minamaliit,
Hintayin mga mata n'ya'y manliit,
'Wag na silang magkamaling lumapit,
Sa sipa n'ya sila'y muling mamimilipit.

Ayaw mo yatang maniwala,
Ngisi mo nalalapit na mawala,
'Wag mo sabihin 'di ka binigyan ng babala,
Hintayin ang sakit na iyong mapapala.

Ano ang iyong kailangan?
Mahal n'ya 'wag mo balingan,
Kasalanan mo 'wag dagdagan,
Tama na ang inyong pagtutulungan.

Ano nga ba ang kailangan n'yo?
Nakatakas ka pa sa emperyo,
'Wag ka ng magtangkang lumayo,
Sa susunod n'yang pagsipa ay 'di ka na makakatayo.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon