KAYSA

755 17 0
                                    

Yaz feel be like

Kaysa pareho tayong lubusang maubos,
Sitwasyon nating ito kailangang magtapos,
Bibitaw na kahit nasasaktan,
Kaysa lumala pa ang ating sakitan.

Ni hindi mo na masalubong aking mga mata,
Dahil ang nasira ko ay hindi basta basta,
Wala nang mukha ihaharap para pa manatili,
Dahil kahit anong gawin hindi maitatama ang pagkakamali.

Ang pagmamahal na nadarama ay hindi sasapat,
Kung ang pagtitiwala ang nasira sa lahat,
Walang salita makakapagpaliwanag sakit,
Kaya ang magsama pa ay hindi na dapat pang ipilit.

Ang tanging solusyon ay tuluyang lumayo,
Bago tuluyang maubos tayo,
Hindi sasapat ang pagsambit na mahal kita,
Kung hindi ka makatingin sa aking mata.

Hindi natin kayang hilumin ang isa't isa,
Lalo lamang tayo magdurusa,
Kailangan natin gamutin ang sarili,
Bago pa tuluyang mahuli.

Isa't isa kailangan na nating palayain,
Hindi ibig sabihin kakalimutan ka rin,
Hayaan muli natin sarili ay mabuo,
Para masabi na handa na muli tayo.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now