HINDI KO HAHAYAAN

155 5 0
                                    

Maxrill feel be like

Hindi ko hahayaan na puso mo ay masugatan,
Hindi ko hahayaan na ikaw ay masaktan,
Kaya gagawin ko ang lahat para sa puso mo s'ya'y mapalitan,
Upang ang damdamin mo para sa kanya ay iyong malimutan.

Ayokong makita kang lumuluha,
Ayoko na malungkot ang iyong mukha,
Puso at damdamin mo nais kong makuha,
Sa piling ko ay hindi ka na luluha.

Hindi ko hahayaan na ikaw ay lumayo,
Nandito lang ako lagi para sa 'yo,
Sa ngayon kontento ako kung anong meron tayo,
Basta sa aking paningin ay hindi ka lalayo.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now