LOVE WITHOUT LIMITS

347 5 0
                                    

Hindi pa handa,
Magpaalam sa mga bida,
Ng istoryang ito,
Napamahal ako rito.

Istorya nasa akin nagpaluha,
Maraming aral akong nakuha,
Mahalin mo ang iyong sarili,
At tanggapin ang pagkakamali.

Lahat tayo ay maaring magsimula muli,
At matuto sa ating mga pagkakamali,
Huwag hanapin sa iba ang iyong kaligayahan,
Sarili iyong mahalin at pahalagahan.

Mahahanap din ang laan para sa atin,
Iyon ay hintayin natin,
Iwasan natin ang maging makasarili,
Minsan talaga ay hindi tayo mapipili.

May nakalaan sa atin na tayo ay bubuuin,
Tao na mamahalin tayo higit sa inaakala natin,
Huwag sumuko matutupad din ang pangarap,
Tunay na pag-ibig ay atin ding mahahanap.

Masaya ko at ito ay kanyang isinulat,
Kaya kay Maxinejiji nagpapasalamat,
Sa pagsulat ng "Love without limits",
Istorya na babasahin ko nang paulit-ulit.

Nagpapasalamat at kanyang binalik,
Istorya na sa akin nagpasabik,
Ngayon ito malapit nang matapos,
Lalong nagpapasalamat ng lubos.

Nagpapasalamat dahil aking nabasa,
Nang buo ang istorya ni Marchessa,
Na mahal na mahal ng isang Del Valle,
Ang magustuhan ng crush mo ay posible.

Medyo mabigat man sa pakiramdam,
Na sa isang istorya ay mamaalam,
"Love Without Limits" salamat sa binigay na saya,
Marchessa at Del Valle Moon 'di ko malilimutan inyong istorya.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now