(MAXINEJIJI BABIES)

377 14 0
                                    

💙RANLEIGH DEINALL ECHAVEZ AND MAXSPAUN THADDEAUS ENRILE 💙

Dalawang magpinsan,
Saan kaya magtatagisan?
RD panganay na apo ng mga Enrile,
Spaun panganay na apo ng mga Del Valle.

Mga ama nila ay umabot sa puntong may iisang babaeng minamahal,
Sa pagdating ng panahon sila rin kaya ay magiging magkaribal,
Dalawang lalaki na ang mga ama ay may kalokohan,
Mga ugaling taglay ng mga ito kanila kayang pagmamanahan.

Sa kanilang paglaki silang dalawa kaya ay magkasundo,
Sino ang lalaking maloko at sino naman ang suplado?
Magpinsan na siguradong hahatak sa atensyon ng kababaihan,
Darating kaya sila sa punto nasa puso ng iisang babae ay magpapaligsahan?

💛ZELESTAIRE DONATELLI GOZON AND MAXIMILLIAN LAURENTIUS DEL VALLE 💛

Dalawang magpinsan,
Na parehong ama ay hari ng kalinisan,
Kanilang mga ina ay mag-ate,
Nasungkit nila ang seryosong Gozon at Del Valle.

Magmamana kaya sila sa ama nilang Englishero,
At kung titingnan tila hindi mo mabibiro,
Baka naman sila ay magmamana sa ina nilang maiingay,
Ang pagiging maganda at guwapo ay maliit na bagay.

Dalawang magmamana ng kanilang katalinuhan,
Na magpapakita na sila ay kaibigan na maaasahan,
Magmamana kaya sa mga magulang na seryoso,
Sa usaping negosyo at lalo nasa usaping puso.

Laurentius lalaki kayang napaka pihikan,
Zaydie lalaki kayang ayaw ng katahimikan,
Lalaki kaya isang masungit at isang makulit,
Pero pihikang mga puso kanilang masusungkit.

🌛🌝🌜MAXSPAUN THADDEAUS ENRILE AND MAXIMILLIAN LAURENTIUS DEL VALLE 🌛🌝🌜

Sa pangalan pa lang malalaman na,
Kung sino ang kanilang mga ama at ina,
Dalawang magkapatid na Del Valle,
Na nakatuluyan ng isang Marchessa at Enrile.

Sa kanilang ngalan atensyon mo ay makukuha,
Paano pa kaya kung iisipin mo pa kanilang mukha?
Mga lalaking na siguradong lalaking seryoso,
Pero sa usaping pamilya malambot ang puso.

Sa katangian ng magulang tayo ay namangha,
Lalo pa at lumaki silang malapit sa mga dukha,
Mga lahi na kakaiba mag-isip at tumingin,
Pero huwag ka sila  ay mga matulungin.

Lalaki kaya silang tipid din kung magsalita,
Na mayroon mga nangungusap na mga mata,
Lalaki kaya sila na sanay na sa ingay,
Na para sa minamahal handang bumigay.

Dalawang Del Valle Moon na buhay ay 'di ordinaryo,
Sila nga ba mangunguna sa pagbabago sa emperyo,
Dalawang wirdo at matatalinong magpinsan,
Na hindi papahuli sa magulang pagdating sa kaangasan.

Spaun at Maximillian dalawang sasabak sa pagiging rango,
Sa emperyo mapapatunayan ang taglay ng kanilang dugo,
Bagong henerasyon ay kanilang uumpisahan,
Talino, diskarte at kaangasan ay kanilang pangungunahan.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now