MAXINEJIJI BABIES

376 14 0
                                    

MAXSPAUN THADDEAUS ENRILE

Ihanda ang iyong imahinasyon,
Sa pag simula ng kanilang henerasyon,
Sa emperyo s'ya nga ba ang magpapabago,
Sa mundo ng mga lalaki at babaeng rango.

Sasabak sa matinding pagsasanay,
Sa tulong ng astig n'yang nanay,
Mamamana kaya n'ya ang kahambugan,
O mga katangian nito kanya pang madadaigan.

Panganay sa magpipinsan,
Nangunguna sa kaangasan,
Ugali n'ya kaya ay seryoso,
Baka habulin din ng mga puso.

Maxspaun Thaddeaus Enrile,
Panganay na apo ng mga Del Valle,
Dugong taglay n'ya ay kanino ang mananaig,
Sa tatay n'ya kayang bully o sa nanay n'yang astig.

MAXIMILLIAN LAURENTIUS DEL VALLE

Ang pangalan n'ya ay Maximillian Laurentius,
Kanino s'yang anak hindi pa ba obvious,
S'yempre sa lalaki na mysterious,
Na kakaiba rin ang pagiging genius.

Kagaya ng taglay n'yang pangalan,
Sa paglingon n'ya, ika'y matitigilan,
Katangian ng ama kanya kayang mahihigitan,
O mamamana n'ya rito pati kasungitan.

Ano-ano tataglayin n'yang kakayahan,
Saan aabutin ang kanyang katalinuhan?
Lalaki kayang magaling din sa paligsahan,
Panigurado sa dugong taglay 'di mo maiisahan.

Maximillian Laurentius Del Valle,
Ugali n'ya rin kaya ay maarte,
Magmamana kaya sa ina n'yang nag-iinarte,
Subalit sa taong mamahalin ay masuwerte.

ZELESTAIRE DONATELLI GOZON

Magmamana kaya sa nanay n'yang maingay,
Pero ang gandang taglay ay napakaliit na bagay,
Magmamana kaya sa tatay n'ya na hari ng kalinisan,
O mananaig ang kaingayan na  kaiinisan.

Paglaki ano kaya ang ugaling taglay,
Mundo ng kaibigan bibigyan ng kulay,
Lalaki rin kaya s'ya bilang kaibigang maaasahan,
Nasa lahat ng oras iyong matatakbuhan.

Zelestaire Donatelli Gozon ang kanyang pangalan,
Kaingayan n'ya kaya ay kanyang matatagalan,
Matalik na magkaibigan ang mga magulang nila,
Sa kanilang paglaki magkasundo kaya sila.

RANLEIGH DEINALL ECHAVEZ

Nakilala ang ama n'ya sa kalokohan,
Pero hindi maitatanggi ang katalinuhan,
Lalo na ang taglay na kaguwapuhan,
Na talaga namang pinipilahan.

Panganay sa kanilang henerasyon,
Siguradong kukuha ng atensyon,
Ano kaya ang magiging propesyon,
Lalaking palaban din kaya sa kompetisyon?

Ranleigh Deinall Echavez ang kanyang pangalan,
Sa kanyang presensiya ikaw ay matitigilan,
Base na rin sa angkan na kanyang pinagmulan,
Ang mahulog sa kanya mahihirapan kang pigilan.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now