Chapter 51

430 15 0
                                    

Yaz feel be like

Nagising ako dahil sa halik sa aking balikat,
S'ya ang nabungaran ko nang ako'y magmulat,
Malambing s'yang tumanghay sa akin,
Mga labi ko ay kanya ring inangkin.

Naiinis ako nang ako'y asarin n'ya,
Kaya naman ako ay gumanti sa kanya,
Pilya kong pinaranas ang bagay na 'di pa n'ya nararanasan,
At nasisiguro ko na sa akin lang n'ya mararanasan.

Habang s'ya'y naliligo namimili ako ng susuutin,
Napasimangot ako sa kulay ng sapatos na aming gagamitin,
Hindi magkapareho ang mga kulay ng mga 'yon,
Napansin n'yang nakasimangot akong nakatingin doon.

Pagkatapos ko maligo natitigilan ako nakatitig sa kanya,
Iniba n'ya ang kulay ng sapatos n'ya,
Hindi ko napigilan na s'ya'y yakapin,
Tinulungan ko s'ya na iyon suutin.

Nagkaroon kami ng asaran dalawa,
Hindi namalayan ang pupuntahan kakatawa,
Pati cellphone ay nalimutan na rin namin,
Pumasok kami sa restaurant nandon na sila nauna sa amin.

Itong si Randall ay lumapit sa akin,
Nagsimula na naman kami asarin,
Baby girl o baby boy daw, ano raw gusto ko,
Sinagot ko na baby girl ang aking gusto.

Si Maxwell ay nagsalita kami raw kumain na,
Baby girl ba ay ayaw ba n'ya,
Hanggang sa makabalik kami ng Palawan,
Bagay na iyon hindi na namin napag usapan.

Hindi ko maiwasan mag-isip na naman,
Isip ko kung anu-ano ang nilalaman,
Sa langit ako napatingala sa chopper napatingin,
Hanggang si Maxwell ay lumapit sa akin.

Pupunta raw kami sa isla n'ya,
Kaya naman umahon sa akin ang saya,
Sa bintana raw ako ay tumingin,
Isang malaking mansyon naagaw ng aking paningin.

Akin daw iyon sabi pa n'ya,
Ako ay napatitig sa kanya,
Natulala ako sa mansyon sa harap namin,
Mula sa likuran nagawa n'ya kong yakapin.

Iyon daw ang bahay naming dalawa,
Napaiyak ako sa labis na tuwa,
Kaming lahat ay pumasok na rito,
Kailan n'ya plinano lahat ng ito.

Ang palapag ng mansyon ay tatlo,
Ang mga kuwarto rito ay walo,
Sa laki niyon at sa gara ay talagang nakakalula,
Sa pinakahuling kuwarto ako'y kanyang hinila.

May kutob na ako para kanino ang kuwartong iyon,
Nang makita ang loob niyon hindi ko napigilan ang aking emosyon,
Nakaplano na ang kinabukasan namin,
Nag-uumapaw ang saya sa aking damdamin.

Maximillian Laurentius ang kanyang magiging pangalan,
Mga luha ko mas lalong hindi ko mapigilan,
Sabi n'ya  gusto n'ya lalaki ang magiging aming panganay,
Susundin ko lahat ng gusto n'ya, wala na ko mahihiling sa buhay.

Mahal na mahal ko ang Del Valle Moon na ito,
Lahat ay nakaplano na pero 'di isinasantabi aking gusto,
Ibibigay ko lahat ng kanyang hihilingin,
S'ya naman ang aking papasiyahin.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now