Chapter 47

418 21 0
                                    

Yaz feel be like

Ang mapaiyak ay aking pinipigilan,
Konsensya ang aking nararamdaman,
Aking mga mata ay tinakpan ko ng salamin,
Hanggang sa s'ya ay tumabi na sa akin.

Sa likod ng aking salamin,
Ako ay kanyang tinitigan rin,
Sarili ko pilit kong pinapakalma,
Pakiramdam ko tila sumasama.

Ang nangyari noong gabi na 'yon,
Nagbalik lahat sa alaala ko ngayon,
Napatunayan ko na ako ay isang makasarili,
Lahat ng ginawa ko ay maling mali.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko,
Si Keziah ay nilapitan at inalo ako,
Isang mapaghangad at ganid tamang itawag sa 'kin,
Si Randall ay nagawa n'yang tanungin.

Sinabi nito sa kanya ang naikuwento,
Hinawakan n'ya ang mga kamay ko,
Emosyonal na sinabi na ako ay mahal n'ya,
Kita ko sa kanyang mga mata nasasaktan pa rin s'ya.

Hindi ko na kinaya at sa kanila nagpaalam,
Bumibigat ang aking pakiramdam,
Kay Katley lahat ay aking ikinuwento,
Nagpapasalamat dahil dinamayan ako nito.

Hindi ako umattend sa seminar n'ya,
Baka umiyak ako habang nakikita s'ya,
Kaya sa seminar ako ni Randall nandon,
Pero nasa iba ang aking buong atensyon.

Nakaupo at nag-iisip nang s'ya'y marinig ko,
Lumapit s'ya tinatanong kung ayos lang ako,
Sa harap ko ay umupo pa s'ya,
Walang pakialam sa nakatingin sa kanya.

Mag-usap daw kami ay kanyang gusto,
Give me a break ay pakiusap ko,
Nakita ko na nalungkot s'ya,
Tiningnan ko ang pagtalikod n'ya.

Si Randall naman ang naupo sa harap ko,
Panay ang sorry n'ya, hinampas ko ang loko,
Naririnig ko kasi ang mga example n'ya,
Hanggang sa naging seryoso na s'ya.

Huwag ko raw saktan ang bestfriend n'ya,
Makikipag usap din ako sabi ko sa kanya,
Hanggang si Maxwell ay lumapit ulit sa akin,
Dala ang sandwich at pilit ako pinapakain.

Sabi ko s'ya dapat ang kumain dahil ang payat n'ya,
Sa sagot n'ya ay biglang tinarayan ko s'ya,
Napagpapacute s'ya at napakakulit,
Ihahatid daw ako mamaya nagpupumilit.

Kaya naman umoo na ko sa kanya,
Kita ko ang pagngisi n'ya,
Pagkatapos ng seminar lumapit s'ya sa akin,
Ang beywang ko ay nagawa n'yang hapitin.

Directress ay kinausap s'ya,
Dito ako ay ipinakilala n'ya,
Hinalikan pa n'ya ang noo ko,
Halata na s'ya ay gusto nito.

Sa akin ay gusto n'yang sumabay,
Si Katley kina Randall sumakay,
Tinalikuran ko na s'ya,
Pero ako ay biglang niyakap n'ya.

Nakikiusap s'ya sa akin,
Ang mag-usap ay kailangan namin,
Kaya naman pumayag na rin ako,
Sa kotse ni Randall ay pinasakay n'ya ko.

Namangha ang magkakaibigan,
Sa lugar na aming pinuntahan,
Kilala rin dito ang pamilya ko,
Manager kami ay inaasikaso.

Namangha sila sa magandang tanawin,
Sabi pa n'ya gusto n'ya itong bilhin,
Napapailing na lang ako sa kanya,
Mahilig sila sa tanawin ng kanyang pamilya.

Nakangiti s'yang lumapit sa akin,
Ang singsing na suot n'ya ay ipinakita rin,
At dito ako ay nagandahan,
Inumpisahan namin ang usapan.

Nagsorry ako sa kanya at ganon din s'ya,
Bulaklak na aking natanggap ay galing sa kanya,
Kaming dalawa pala ay naghihintayan,
Binabantayan ako ng kanyang mga tauhan.

Magsisimula na sana kami kumain,
Nang si Rembrandt sumigaw sa likuran namin,
Si Maxwell ay hinampas n'ya ng silya,
Bunbunan at kaliwang kamay ang nahampas n'ya.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now