LOVE WITHOUT LIMITS

673 25 0
                                    

Istorya na binabasa ng karamihan,
Sa nararamdaman ng bawat tauhan,
Hindi mo maiwasan ang maapektuhan.

Istorya ng isang babaeng nagmamahal na nagkamali,
Subalit sa tabi ng minamahal nais pa sanang manatili,
Wala ng magagawa tiwala nito kanyang binali.

Istorya ng isang lalaking bihira makitaan ng emosyon,
Nagmamahal humantong sa puntong kinukuwestiyon,
Kung kailangan na bang bitawan ang propesyon.

Istorya ng isang lalaking humanga,
Naghahangad ng atensyon at pagpapahalaga,
Hindi alintana sariling kapatid ang nakabangga.

Istorya na sumasalamin na tayo ay nagiging makasarili,
Na umaasa pa rin na balang araw tayo ay mapipili,
Sumasalamin na tayo ay tao na sadyang nagkakamali.

Istorya na kung magmamahal ka handa kang masaktan,
Na hindi mo maiiwasan na kayo ay magkakasakitan,
Tiwala man nasira, minsan pagmamahal ay nagagawa itong higitan.

Istorya na naglalarawan na ang magmahal ay hindi madali,
Lalo pa kung kulang ka rin ng pagmamahal sa iyong sarili,
Na ang pagsisisi ay parating nasa huli.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now