Chapter 38

1.3K 29 0
                                    

Yaz feel be like

Ngayon ay naluluha ako,
Hanggang boses n'ya ay marinig ko,
Babalik na raw sa trabaho n'ya,
Natatakot ako na lingunin s'ya.

Pagluha ay hindi ko na napigilan,
Naroon pa rin pala s'ya sa aking likuran,
Nababasa ko ang lungkot sa mga mata n'ya,
Sa akin nagpaalam muli, sagot ko ingat s'ya.

Si Maxrill ay lumapit sa akin,
Hinila n'ya ko, sinabi sila ay nasasaktan din,
Ako ay pinapapili na rin n'ya,
Kung kuya ba n'ya o s'ya.

Umpisa pa lang alam na n'ya,
Na kung sino sa kanila, sagot ko sa kanya,
Sa nangyari sa kanilang magkapatid s'ya'y nagkuwento,
Natakot pala s'ya na baka masapak s'ya nito.

Masinsinan daw s'ya kinausap ng kuya n'ya,
Kung sa akin ba talaga ay seryoso s'ya,
Ang nangyari ay pinag-usapan namin,
Hanggang kay Dainty nagawa ko s'yang tuksuhin.

Sinabi ko nandito pa rin ako para sa kanya,
Na ang mahal ko talaga ay ang kanyang kuya,
Nang gabing iyon ay nag-isip isip ako,
Napag-isipan na si Maxwell ay susuyuin ko.

Parati akong nag-gogood morning sa kanya,
Makakain ay ipinagluluto ko s'ya,
Ayos na rin dahil kinakausap pa rin n'ya ako,
Sinabi na s'ya'y miss na miss ko.

Hanggang ngayon sa akin ay galit s'ya,
Ang halik na 'yon ay naalala pa rin n'ya,
Space sa isa't isa ang kailangan namin,
Tinanong ko kung ayaw na ba n'ya sa akin.

Umasa pa rin ako na pipigilan n'ya,
Pero wala talagang matigas s'ya,
Dapat na yata akong sumuko,
Napapaisip kung talaga bang minahal n'ya ako.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now