<#96.>

20 2 0
                                    

Vrnyxia's POV


Tatlong araw na akong naghihintay dito sa lugar kung saan sina Dyos Ilumino at Dyosa Ilumina pero ang amang dyos lamang ang naririto at mukhang walang balak na pagpakita si Dyosa Ilumina para sagutin ang mga tanong ko.

"Hindi talaga siya magpapakita sayo, prinsesa ng mga bampira." saad ni Dyos Ilumino at ininom ang tsaang nasa kanyang kamay.

Ang sabi niya ay naririto lamang si Dyosa Ilumina sa Ilumin at hindi pumunta ng Isanwo.

Umaalis ako para bumalik sa bahay kung nasaan nakatira pansamantala ang mga kaibigan ko para lamang uminom ng dugo at magbihis ng damit tsaka babalik ulit para hintayin si Dyosa Ilumina para magpakita.

Patuloy pa rin sa pagsasanay ang mga kaibigan ko. Sinabihan din ako ni Dyosa Luna na magpatuloy na lamang sa pagsasanay kaysa sa hintayin si Dyosa Ilumina ngunit ang sabi ko na lamang ay...

"Hindi ako magsasanay kapag hindi nagpakita sakin si Dyosa Ilumina at sagutin ng mga tanong ko." mariin kong turan.

Wala siyang nagawa dahil ayaw naman niya akong pilitin. Si Dyos Lumin ay parang wala lang sa kanya ang pagmamatigas ko.

Dalawang linggo na simula noong nalaman namin na may dugo ng dyosa ang nananalaytay sa ugat ni Villaine. Hindi pa rin nagpapakita si Dyosa Ilumina kaya mas lalo akong nainis at pinaghahalbot ang halaman sa tabi ko kung saan ako nakaupo na siyang magpangiwi kay Dyos Ilumino na siyang kasama ko ngayon.

"DYOSA ILUMINA!"

Palagi ko ring tinatawag ang pangalan niya baka sakaling mabingi siya at magpakita na. Kahit sa isip ko ay tinatawag ko ang pangalan ng Inang dyosa dahil alam kong naririnig niya ako.

"Hindi ka pa rin sumusuko? Gaano mo ba nais makausap si Ina?"

Napatingin naman ako sa nagtanong. May pulang buhok ito na parang magma ang buhok at may pilak na mata. Para sakin ay ang pangit niyang tingnan dahil hindi bumagay yung pilak na mata sa buhok niya.

Napalingon naman ako sa ibang direksyon ng may marinig ako na pamilyar na tawa.

"Kung ayaw niyang magpakita ay ayaw niya talaga. Huwag mo na siyang hintayin at magsanay ka na lamang." napatingin ako kay Dyos Magno. Katulad ng asawa niya, may pulang buhok ito at pilak na mata.

"Magtatanong lang naman ako ah." nasabi ko na lamang at napahiga sa damuhan.

Napatingin naman ako kay Dyos Ilumino na nakatingin din sakin na bigla akong may naalala kaya napangisi ako na nagpakunot ng noo sa kanya.

"Hey, Goddess of the moon. Where are you hiding?"

Wala na, baliw na ako.

Napabuga naman si Dyosa Magna ng iniinom niyang tsaa. Si Dyos Magno ay gulat na gulat, ganundin si Dyos Ilumino.

'Huwag mo akong galitin, munting bampira.'

"Hahaha galit ka na niyan ha?!"

Bumalik ako sa pagkakaupo bago tumingin sa papalapit na sina Dyos Lumin, Dyosa Luna, mga kaibigan ko at mga nagsasanay samin.

"Nyx anong ginagawa mo?" nakakunot noong tanong ni Dyos Lumin.

"I'm asking for her to come out, of course." I stated as the matter of fact.

'Manahimik ka.'

"Are you irritated by my voice? Why don't you come here to punish me, Goddess Ilumina?"

Nagtataka ang mga mukha nila dahil sa sinabi ko. Nakita ko naman na napangisi si Dyos Ilumino kaya napathumbs-up ako sa kanya.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now