<#29.Deal>

180 14 0
                                    

Nyx/Nathalia's POV




Nandito ako ngayon sa Cafeteria, mag-isang kumakain. Wala kasi si Hugo ngayon kaya wala akong kasama. Hindi naman pwedeng sumama ako kayla Coral dahil siguradong nakabantay si Kyline at mga alipores niya. Tss, kahit saan siguro may alalay siya.

Tatlong araw na ang lumipas nang maibalik ang alaala ko. At ganoon parin ang daily routine ko. Pasok sa umaga, tanghalian kasama si Hugo, hinahayaang mabully, at kapag natutulog na ako ay doon ulit ako mapupunta sa Ilumin at iba pa.

Nasanay na akong magpalabas ng mga apoy na hindi nasusugatan ang kamay ko. Pula, asul, berde, lila, at iba pang mga kulay maliban sa puti at itim. Ang sabi ni Dyosa Luna ay sa huling pagsasanay ko ito dapat sanayin at kapag nasanay na ako sa pagpapalabas ng ibang uri ng apoy. Mas makokontrol ko daw ang itim at puting apoy kapag nasanay na ako sa ibang kulay ng apoy.

"ATTENTION EVERYONE. MAY PAGBABAGO SA BATTLE NA GAGANAPIN. ISANG LINGGO MULA NGAYON, GAGANAPIN NG SABAY SABAY ANG MGA BATTLE. MAGIGING ISANG PALIGSAHAN ANG GAGANAPING BATTLE AT ANG MANANALO SA PALIGSAHAN AY MAKAKATANGGAP NG ISANG KAHILINGAN MULA SA MGA PINUNO NG BAWAT LUPAIN." sabi ng nasa speaker, si Headmaster. Bakit naman kaya nila binago ang battle?

Maraming nagbubulungan dito sa Cafeteria at kung bampira ka at hindi mo kontrolado ang pandinig mo, mabibingi ka sa ingay na nandito ngayon.

Umalis na ako para sa afternoon class ko. Nang pumasok ako ay maliit lang ang bilang ng mga bampirang nandito at mabuti naman wala pa dito ang grupo nila Kyline.

Ilang sandali pa ay nagsipasukan na ang mga kaklase ko. At ang grupo nila Kyline ang pinakamaingay.

"Hahaha You should see the look on their faces Princess hahaha." natatawang sabi ni Hilda.

"Oo nga hahaha." sabi naman ni Margaret. Ano na naman ang pinag-uusapan nila? At ano ang ginawa nila.

Nakangisi si Kyline na umupo sa upuan niya. Pansin kong wala si Hugo. Nasaan naman ang isang yun?

Dumating na ang guro namin ngayong hapon. May kailangan akong malaman.

"Sir, maaari ba akong lumabas?" sabi ko kay Sir Dale.

"Okay."

Lumabas na ako at pumunta sa rooftop. Pinatalas ko ang paningin ko para hanapin si Coral at iba pa, kasama na rin si Hugo.

Nakita ko naman sa isang silid si Hugo kasama ang isang babaeng nakaitim at lalaki na pamilyar sakin. Nasa isang close room sila, as in wala talagang bintana. Pero nakikita ko sila dahil parang x-ray vision ang mata ko ngayon.

"Ano ang pinag-uusapan nila?" bulong ko sa sarili ko. Si Ate lang naman kasama si Kuya Max at si Hugo. Hmm... Mukhang importante talaga ang pinag-uusapan nila dahil sobrang seryoso ni Kuya Max at Hugo. Si Ate naman ay matagal nang seryoso, halos lahat nga ng bagay sineseryoso niya eh.

Binaling ko naman ang paningin ko sa tabing dagat para malaman kung nandoon nga sila.

Anong nangyari? Ang dumi naman yata nila. May basura pa ang mga buhok nila at damit. Mabilis kong kinuha ang papel na ginawa ni Flaur sa bag ko at nagsulat.

'Flaur? Anong nangyrai?'~ Nathalia

Nakita ko naman umilaw ang bag nila kaya tiningnan nila ito. Kinuha nila ang mga papel sa bag nila. Nagkatinginan sila bago sumulat sa papel.

'Okay naman ako dito.'~ Lorycs

'Ano ang ibig mong sabihin Nath?'~ Flaur

'Oo nga.'~ Coral

Vampire Queen's Runaway DaughterHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin