<#78.Waking Kyline>

104 10 1
                                    

Vrnyxia's POV


Sixth day of Moon Festival

Nakahiga ako ngayon sa kama habang hindi mapakali. Hindi din ako komportable. Parang may nangyaring masama pero hindi ko alam kung ano, sino o saan. Hindi nga ako nakatulog kagabi dahil hindi ako mapakali.

Huminto ako sa paggulong at napatingin sa kisame. Anong gagawin ko ngayon? Mamaya pa naman ako pupunta sa silid na inihanda para sa pagiging ganap na bampira ko.

Wala rin akong ginawa kahapon ng umalis sina Ate kasama ang mga tagabantay ng Luer kundi ang maglibot sa Diel Forest. Wala rin akong matinong kausap dito.

Si Maya ay naglaladian kasama si Kuya Richard sa baba. Ang dalawa naman si Kaye at si Darcey ay magboboys hunting daw sa Sentro kahit hindi pa sumisikat ang araw. Si Nay Anna at Tay John ay nag-aaway dahil hindi man lang sila binayayaan ng anak. Si Nay Lucy at Tay Lance naman ay nasa sentro din, ewan ko kung ano ang ginagawa nila doon. Si Mama Merli naman ay pinatawag sa Palasyo.

Ano kaya ang dahilan kung bakit siya pinatawag sa palasyo?

Hmm...

Bukas na pala ang kaarawan ko at ang pagpula ng mga buwan, ang huling araw ng pagdiriwang.

Ngayon nga pala ang pagbalik ng mga estudyante sa Mixtus para makapaghanda bukas.

Bukas ng gabi ay magaganap na kasiyahan sa Mixtus High.

"Bumalik na kaya sina Coralline sa Mixtus?" tanong ko sa sarili ko bago bumuntong hininga.

Tumayo ako at pumunta sa balkonahe. Hindi pa rin sumisikat ang araw.

Oo nga pala, ipapakilala bukas ang mga susunod na mamumuno ng bawat lupain at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Kyline. Kailangan na siyang magising pero paano?

'Bakit hindi mo siya patakan ng iyong dugo munting bampira?'

Sandali bakit pamilyar ang boses na ito?

'Ilang linggo pa lang ng hindi tayo nag-uusap ay nakalimutan mo na agad ang boses ko. Bampira ka ba talaga?'

Singhal niya sa isip ko.

Patawad.

Saan ka ba Dyosa Ilumina?

'*sigh* Nandito ako sa araw.'

Buti naman at hindi ka nasunog hahaha.

'Sabi na nga ba't sasabihin mo iyan. Nasa Isanwo kami ni Ilumino.'

Isanwo? Anong lugar iyan Dyosa Ilumina?

'Ang Isanwo ay tahanan ng Dyos at Dyosa ng Araw, si Isanius at Isanaia.'

Hmm... Wala akong alam tungkol sa kanila.

'Wala naman talagang nakakaalam kina Isanius at Isanaia na taga-Immortalis o iba pang lugar na sakop ng Ilumin. Ganun din sa amin ni Ilumino sa mga lugar na sakop ng Isanwo. Sandali bakit ba tayo nag-uusap tungkol sa kanila?'

Vampire Queen's Runaway DaughterWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu