<#73.The 1st Queen of Vampires>

167 11 1
                                    

Flaurelle's POV


"Bakit wala man lang nagbabantay dito sa kastilyo ng ELI?" takang tanong ni Lorycs.

Nandito kami sa makapal na damo sa harap ng kastilo ng ELI (Elder Leaders of Immortalis) o SPI (Sinaunang Pinuno ng Immortalis), nagtatago. Maliwanag na rin ang paligid dahil kakasikat lang ng araw.

"Dahil walang magtatangkang pumasok sa kastilyo lalo na nandyan halos lahat ng mga pinuno ng Immortalis." sabi ni Devlin.

"Kung ganoon ay huwag na nating tangkaing pumasok pa Nyx. Mapapahamak tayo kapag nahuli nila tayo kahit na sabihin natin na kadugo natin ang nasa loob." sabi ni Alwin.

"Pasensya na pero kung hindi niyo nais na pumasok ay dito lamang kayo." sabi ni Nyx at tumayo na.

"Sandali Nyx, ano ba ang nais mong malaman?" tanong ni Coral.

"Basta." sabi niya at mabilis na tumakbo papasok ng kastilyo.

"Susundan ko siya." sabi ni Hugo at sumunod na nga.

"May magagawa pa ba tayo?" sabi ko at tumayo na rin.

"Oo, yung umuwi." sabi ni Alwin kaya hinatak ko siya at lumipad papasok.

Sumunod naman ang iba samin.

"Akala ko ba ayaw niyong pumasok?" bungad samin ni Nyx.

"Nakapasok na ba kayo dito?" tanong ni Coral.

Umiling naman kaming lahat maliban sa isa.

"Oo minsan na akong nakapasok dito kasama si Prinsesa Lia." sabi ni Rene.

"Mabuti kung ganoon. Ituro mo samin kung saang bahagi ng kastilyo ang mga pinuno ng mga bampira." sabi ni Nyx.

Maingat kami sa mga galaw at pananalita namin dahil sagrado ang lugar na ito.

"Nandito na tayo. Ang buong bahaging ito ay pagmamay-ari ng nga pinunong bampira at nasa itaas ang kanilang mga silid." sabi ni Rene.

"Salamat Rene." nakangiting sabi ni Nyx.

Pumasok kami sa isang silid na puno ng mga libro at larawan ng mga nagdaang Reyna ng mga Bampira. Madilim ang silid at parang minsan lang napupuntahan.

Nagsimula naman kaming libutin ang silid aklatan habang si Nyx ay parang may hinahanap na hindi alam kung ano.

"Ano ba ang hinahanap mo Nyx?" tanong ko nang lumapit ako sa kanya.

"Hindi ko rin alam." sagot niya.

Mukhang tama ako 😏.

"Flaurelle, Nyx tingnan niyo ito, bilis." rinig naming tawag ni Alwin.

Lumapit kami sa kanila na nakatingin sa isang larawan.

"Nyx ikaw yan, hindi ba?" gulat kong tanong.

"Hindi, hindi ako 'yan." sabi niya.

"Iyan din ang nakakapagtaka. Magkamukhang magkamukha kayo Nyx." sabi ni Lorycs.

"Walang pangalan." sabi ko at hinawakan ang dapat na nilalagyan ng pangalan.

"Maaaring kulang lamang sa liwanag kaya hindi natin makita ang pangalan." sabi ni Lorycs at binuksan ang kurtina ng malapit na bintana.

Unti unti namang lumitaw ang mga letra ng matamaan ito ng liwanag.

"Vrnyxille Vyrimr Bloodsworth, unang Reyna ng mga Bampira." pagbasa ni Coral.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now