<#68.Talked about her Past and your Dead>

136 10 0
                                    

Vrdyllia's POV


Napapikit ako ng mariin ng maramdaman kong tumama sa linyada ng aking mata ang sikat ng araw. Kaya'y napamulat ako at una kong nakita ang aking bintana na nakatali sa tabi ang itim itong kurtina.

Sa pagkakaalala ko ay natatabunan ito ng kanyang kurtina.

Napabangon ako at takang napatingin sa hinihigaan ko.

Paanong nasa higaan ako gayung nasa ilalim sa tabi ng kama ako kagabi? At paanong iba na rin ang aking suot?

Napahawak naman ako sa ulo ko at pilit na inaalala ang naganap ka gabi.

May ginawa ba akong hindi ko alam kagabi?

"Magandang araw. Mahimbing ba ang iyong pagtulog?"

Taka akong napatingin sa biglang nagsalita. Siya ba ang naglagay sakin sa aking higaan at nagpalit ng aking damit?

"Ina? Anong ginagawa mo sa aking silid?" takang tanong ko.

"Hindi na ba ako maaari dito?" nakataas kilay niyang tanong.

Hindi ko siya sinagot bagkus ay bumangon na lamang na tikom ang bibig. Hindi ko nais na siya ang una kong makitang nilalang sa pagmulat ng aking mata ngayong umaga o nais na unang makausap.

Sa pagtayo ko ay nasagi ko ang bote ng alak na walang laman. Kumuha muna ako ng damit bago pumunta sa banyo upang maligo.

"Hindi ka pa pala nakaalis." malamig na sabi ko sa aking Ina na nakaupo sa pang-isahang sofa na nakaharap sa aking higaan sa paglabas ko ng banyo.

"Nais kong magsabi ka sakin ng totoo Vrdyllia Llewelyn. Ano ba ang ginagawa mo sa sarili mo?" seryosong tanong niya at napatayo.

"Pakiusap Ina, hindi ko nais na sagutin ang mga tanong mo ngayong umaga. Asahan mo na sa ibang araw ko na lamang sasagutin ang mga tanong mo." malamig kong sabi na hindi nakaharap sa kanya habang kinukuha ang mga bote ng alak.

"Vrdyllia---"

*tok*tok*tok*

"Mahal na Reyna may nais na makausap kayo." rinig kong sabi ni Ms. Jing sa labas ng aking silid.

"*sigh* Aasahan ko ang pag-uusap nating dalawa Vrdyllia Llewelyn Bloodsworth." seryosong sabi niya at nag-alala akong tiningnan. Lumabas na siya ng aking silid kaya kinandado ko muna ang pinto.

Napaupo naman ako sa higaan ko habang wala sa sarili tinitingnan ang aking silid.

Napakagulo nito dahil sa nakaimbak na mga walang lamang bote ng alak. Mahigit isang daang bote ng alak ang nakakapaglasing sa isang bampira. Ngunit umaabot sa dalawang daan o higit pa ang nakakapagpatulog sakin. Ang upos ng sigarilyo naman ay hindi naman umaabot sa tatlong daang sticks.

Wala akong pakialam kung makita man ito ni Ina. Bahala siyang sumagot ng mga katanungan na bumabagabag sa isipan niya ngayon.

Tinapos ko ang paglilinis sa aking silid at lumabas ng aking silid. Dala ko na rin ang ibang gamit dahil hindi muna ako uuwi dito sa palasyo. Mas kailangan kong manatili sa Luer ngayon lalo na't malapit na ang araw ng Pulang Buwan.

"Magandang umaga Prinsesa Lia." pagbati sakin ni Max at kinuha ang dala kong gamit.

"Nasaan sina Serilla at ang mga bata?" tanong ko habang nilalagay ni Max ang gamit ko sa loob ng sasakyan.

"Nasa hapag sila Prinsesa Lia kasama ang iyong nga kapatid."

Kasama ang aking mga kapatid?

Sa pagkakakilala ko sa kanila ay hindi sila kumakain tuwing umaga. Maaaring mali ako sa pagkakilala sa kanila.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now