<#5.New Found Friend>

325 21 0
                                    

Nyx' POV


"Maya, hali ka na. Bilisan mo. Ano ba?" inis kong sabi kay Maya na kanina pa nag-aayos.

"Oo na sandali lang po. Inaayos ko pa ang buhok. Atsaka wag ka ngang magmadali hindi ka naman pagsasarhan ni Tina." sabi niya na nakaharap pa rin sa salamin.

Naiinis na ako sa babaeng 'to ha. Hinila ko na siya papuntang sasakyan.

"Atat talaga ha?!" nakangiti akong tumango kay Maya.

Si Maya, isa siya sa mga katulong ni Ate at sya ang pinakabatang katulong. Siya din ang inutusan ni Ate para bantayan ako kung gusto ko man pumunta sa Central. Mas matanda siya ng 52 years kaysa sa akin, that means 69 years old na siya. Sa aming mga Bampira, bata pa ang 100 below. Si Ate naman mas matanda ng 325 years kaya 342 years old siya ngayon and still single. Ganun kalayo ang agwat ni Ate sakin. At sa iba ko pang kapatid? nevermind them.

Ang central pala ang pinakagitna ng Vampir. Nandoon nakatira ang mayayaman at maharlikang pamilya bukod sa pamilyang Bloodsworth dahil nakatira sila sa palasyo na malayo dito. And to think of it, doon dapat ako nakatira ngayon... if I didn't run away. For me, that place is a prison cell.

Anyway, papunta kami ngayon sa Central dahil sa mga gamit na bibilhin ko. And Aling Tina is an owner of books na binibilhan ko ng mga libro.

Akalain mo yun, ang pinakamalapit na bahay dito is walong kilometro at ang bungad ng Central ay dalawangput kilometro, paano pa kaya sa pinakagitna ng Central.

After half hour ay nakarating na rin kami. Kinukulit ko lang si Maya na bilisan ang takbo para hindi ako mabored.

"Oh baba na." bored na sabi niya.

"Eh? eh ikaw di ka baba?"

"Hindi dahil may pupuntahan pa ako. Babalikan na lang kita mamayang 3 pm sa tapat ni Tina."

"May date ka 'no?" panunukso ko sa kanya.

"Yes, I have. At humingi na rin ako ng permiso sa Ate mo. Kay Ate Merli, Max, Darcey, Kaye, Ate Lucy, Ate Anna, Kuya John, Kuya Lance at kay Richard. Okay na?" sabi niya pero hindi ako okay doon.

"You sure? Humingi ka ng permiso kay Kuya Richard?" nakangisi kong tanong sa kanya. Nakwento sakin ni Kaye na may gusto daw si Maya kay Kuya Richard at ganun din sa kanya.

"Arghh Fine! malelate ako niyan eh. Si Richard ang kadate ko okay?" ngumiti ako ng sabihin niya yun.

Bumaba na ako ng kotse dahil baka sabunutan ako ng babaeng yun sa inis niya sakin. Kahit na isang linggo palang ako dito kaclose ko na sila kaagad.

Hindi ko siya tinatawag na Ate dahil nakakatanda raw. Ganun din ang sabi nila Darcey at Kaye. Si Kuya Max naman at si Kuya Richard ang magkaedad, 100 to 150 years old. Si Mama Merli, Nanay Lucy, Nanay Anna, Tatay John at Tatay Lance ang magkaedad, 200 to 250 years old. Ibig sabihin si Ate ang pinakamatanda sa loob ng bahay at ako ang bunso. Nagiging matandang dalaga na si Ate Hahaha. Hindi nga halata na siya ang pinakamatanda. Wala din siyang asawa o di kaya nobyo. Ang iba ko namang kapatid may asawa't anak na, siya single pa rin.

Maglibot libot muna ako dito since it's only 9 am.

Isang linggo na noong bumalik kami ni Mama dito sa Vampir at next week na ang pasukan. Gosh I'm excited and nervous as well. Hindi ko alam pero ang gaan ng hangin simula ng bumalik ako dito. Hindi nakakasal at maramdaman mo ang kasiyahan ng bawat isa.

Ano kaya ang ginagawa ng iba kong mga kapatid?

Eh si Ina kaya, malupit pa rin kaya siya? I hope not.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now