<#84.Snow in Vampir>

94 6 0
                                    

Vrnyxia's POV


Pinunasan ko ang dugo sa mata ko habang nakatingin sakin ang tatlong reyna at si Ms. Jing dito sa pribadong silid ng mga Reyna.

"*sigh* Bakit mo naman kasi pinilit?" nag-aalalang turan sakin ni Ina at kinuha ang pamunas sa kamay ko.

Dahil nga malakas ang harang na nakapalibot sa silid ay dumugo ang mata ko. Hindi naman siya masakit pero may lumabas na dugo.

Binulyawan naman ako kanina ni Reyna Vanyxxa ng malaman niyang nakikinig ako sa labas.

Kasalanan ko bang hindi niyo sinara ng maayos ang pintuan? ╯﹏╰

"Vrnyxia may alam ka ba tungkol dito?" mariing tanong ni Reyna Vanyxxa.

"Ina wala siyang alam." mariing sabi ni Ina.

"Ang alam ko lamang ay nilabag ni Ina ang Blood Rule dahil sinabi sakin ni Reyna Vrnyxille at nitong Red Moon ay nalaman ko na si Ate Lia ang bunga." sabi ko na ikinagulat ni Ina.

Napapikit na mariin si Reyna Vivelyn habang nakaupo sa pang-isahang sofa.

"Alam ba ito ng mga magulang ni Lykus?" tumango si Ina sa tanong ni Reyna Vivelyn.

"Tsk! Alam mo kung ano ang nakaugalian Livhial. Ihaharap kayo ni Lykus sa mga nagdaang pinuno at tatanggapin ninyo ang parusa. At kay Vrdyllia naman...

.
.
.
.
... ay papatawan ng kamatayan."

Ikinalaki ng mata ko ang sinabi ni Reyna Vanyxxa.

"I-Ina..."

"Ang lahat ng blood breaker ay puputulan ng ulo." dagdag pa ni Reyna Vanyxxa.

"Hindi maaari!" galit kong sabi at napatayo.

Namumuo na ang luha sa mata ko.

"Hindi ka pwedeng makialam dito Prinsesa Vrnyxia dahil hindi ka pa isang Reyna." may diing sabi ni Reyna Vanyxxa.

"I-Ina pakiusap. Bawiin niyo ang mga sinabi niyo. Si Lia... Si Lia ay aking anak... ang apo niyo. Pakiusap Ina." umiiyak na sabi ni Ina at lumuhod.

"Oo't apo ko siya Livhial ngunit ang batas ay batas na dapat nating sundin."

Napakuom naman ako ng kamao. Lalabas na sana ang apoy sa kamay ko ng may naramdaman akong kakaiba.

Bakit parang biglang lumamig?

Malakas ang apoy sa katawan ko at parang nababalutan ito ng yelo ngayon.

Bigla na lamang ako napaluhod habang yakap ang sarili dahil sa naramdaman kong lamig.

"Night, anong nangyayari sayo?" rinig kong tanong ni Ina ngunit hindi ko siya magawang sagutin.

Hindi ba nila nararamdaman ang lamig?

May naramdaman akong humawak sa kaliwang braso ko.

"Bakit ang lamig niya?" rinig kong tanong ni Reyna Vivelyn.

"Apoy."

Nakaramdam ako ng init sa kaliwang braso ko kaya naging maayos na ang pakiramdam ko.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo Vrnyxia?" tumango naman ako sa nagtanong.

"Hindi niyo ba naramdaman ang lamig na parang yelo?" tanong ko. Takang napatingin sakin si Ina at Reyna Vivelyn pati na rin si Ms. Jing at napataas ng kanang kilay naman si Reyna Vanyxxa.

"Pamilyar sakin yung lamig. Parang yung nasa Luer noong nawalan ako ng malay."

*tok*tok*tok*

Agad na binuksan ni Ms. Jing ang pinto ang niluwal nito si Tita Vivi.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now