<#93.Ilumin>

53 2 0
                                    

Third Person POV


Malapit nang lumubog ang araw at kanya-kanya na silang paalam sa kanilang mga magulang.

Si Vrnyxia Leianna Bloodsworth, ang susunod na Vampire Queen ng mga Bampira.

Lorycs Clad Wilde, ang susunod na Alpha King ng mga Lobo

Flaurelle Haira Withel, ang susunod na Witch Queen ng mga Mangkukulam

Coralline Merrill Shelford, ang susunod na Mermaid Queen ng mga sirena

Alwin Flint Yurield, ang susunod na Elemental King ng mga nilalang na may iba't ibang elemento.

Devlin Milber Elroz, susunod na Demon King ng mga demonyo

Hugo Aris Northwood, ang susunod na Royal Knight ng Vampire Queen.

At ang huli

Rene Clarisse Varrs, kumakatawan sa mga Blood Breaker.

Silang walo na magkakaibigan ay kailangan na umalis ng Immortalis patungo sa Ilumin. Hindi lang ang kaisipan o diwa nila ang mapaparoon kundi pati ang katawang lupa nila.

Utos na kailangan nilang lisanin ang mundo nila para magsanay.

"Mukhang nandito na ang lahat." sabi ni Reyna Vrnyxille, unang Reyna ng mga bampira.

Nagtipon sila sa harap ng kastilyo ng mga dating pinuno ng Immortalis. Madilim na ngunit ang dalawang buwan ng Immortalis kahit na hindi buo ang hugis ay umiilaw sa kanila.

"Handa na ba kayo?" tanong ni Reyna Wystela, unang Reyna ng mga mangkukulam.

"Handa na po kami."

Sabay sabay na tugon ng anim. Kahit na malungkot dahil kailangan nilang iwan ang Immortalis ay masaya pa rin dahil magsasanay sila para iligtas ito.

May nabuong portal sa harap nila at lumabas mula doon ang dalawang nilalang na may pilak na buhok at mata.

Sila ay nagbigay galang sa dyos at dyosang lumikha sa kanila.

"Tayo na't umalis mga bata."

Tumango sila at isa isa ay pumasok sa portal. Ang huli ang ang susunod na Reyna ng mga Bampira. Bago siya pumasok at muli niyang binaling ang tingin ang direksyon ng Vampir.

"Nyx?"

Ngumiti si Vrnyxia kay Dyosa Luna bago pumasok ng portal. Sumunod naman sa kanila ang Dyos at Dyosa.

Katulad ng inaasahan ni Vrnyxia, pagkamangha at gulat ang mukha ng mga kaibigan niya.

"Maligayang pagdating sa Ilumin." masaya pagbati ni Dyosa Luna.

"Ang ganda." sabi ng Blood Breaker na si Rene.

"Sumunod kayo sakin."

Katulad ng pagpunta ni Nyx sa Ilumin, nasa tabing ilog din sila dinala ng portal.

Nagtataka ang ibang kaibigan ni Nyx na hindi man lang siya nabigla o nagulat.

"Dito ako nagsasanay kaya hindi na bago sakin." nakangiting sagot niya.

Nagulat naman ang ibang mga kaibigan niya sa kanyang isinagot.

"Ang daya naman."

Nang makarating sila, nandoon nakaupo ang Amang Dyos na si Ilumino at umiinom ng tsaa.

"Ah, Maligayang pagdating sa Ilumin mga nilalang ng Immortalis."

"Nyx, sino siya?" bulong na tanong ni Coralline.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now