<#70.Gares Family>

149 9 0
                                    

Vrnyxia's POV


"Maaari mo na ba akong bitawan?" malamig na sabi ni Ate Lia na yumayakap sa kanya.

?_?

@_@

"Patawad. Matagal na kasi nang may huling dumalaw mula sa pamilya ko." sabi ng babae at humiwalay sa yakap.

Pamilya niya?

Pamilya ba siya ni Ate Lia sa Ama?

"Ikaw ang siyang hindi dumadalo sa pagsasalo Tita Ria." malamig naman ni Ate Lia.

@_@ Tita Ria?

"Uhm... Naguguluhan ako *_*" sabay naming sabi ni Lily kaya napatingin kami sa isa't isa.

"Bakit hindi muna kayo pumasok?" sabi ng babae na nakatayo sa harapan ng tindahan na tinuro ni Lily na kanyang Ina.

"Oo nga Ate Nath. Pumasok muna kayo." sabi ni Lily at hinigit ako papasok.

May kalakihan din naman ang bahay nila pero mas malaki yung kay Ate.

"Maupo ka muna Ate Nath." sabi ni Lily ng makapasok kami sa bahay nila. Pinaupo niya ako sa sofa nila.

"Lily, siya ba yung sinasabi mong nais magpaggawa ng mga koronang bulaklak?" tanong ng Ina ni Lily.

"Opo Ina, siya nga. Ate Nath siya pala ang aking Ina, si Lilybeth Gares." pakilala ni Lily.

"Ikinagagalak ko pong makilala kayo, Gng. Gares." nakatayo at nakayuko kong sabi.

"Ganun din ako ngunit huwag mo akong tawaging Gng. Gares dahil maaaring ang nasa labas ang sasagot. Tawagin mo na lamang akong Tita Beth." nakangiti niyang sabi.

"Kung 'yan ang nais niyo." sabi ko at bumalik sa pagkakaupo.

"Lily ikaw na muna ang bahalang mag-asikaso sa ating bisita. Ihahanda ko ang koronang bulaklak na kanyang pinagawa." sabi niya at umalis.

"Lily? Sino ang yumakap kay At--- Prinsesa Lia?" tanong mo ng umupo siya sa tabi ko.

"Siya ang aking Lola, si Valrianna Bloodsworth Gares." sagot niya.

Isa siyang Bloodsworth? Kung ganoon ay ang pamilyang ito ay may dugong maharlika.

"Masaya talaga ako na naparito ka Lia." sabi ni Gng. Gares, yung yumakap kay Ate, nang pumasok sila sa loob ng bahay.

"Hindi ko naman alam na dito pala pupunta si Nathalia." bored na sabi ni Ate at tumingin sakin.

Sino ba ito si Valrianna Bloodsworth Gares? Hindi ko pa naririnig ang pangalan niya.

"Scholar mo?" tanong niya.

"Hindi. Anak ni Merlita." sagot naman ni Ate.

"Maaari ko ba kayong makausap ng pribado?"

Ano naman ang plano nitong si Ate?

"Oo naman. Lily, kapag hinanap kami ng iyong Ina ay sabihin mong nasa aklatan kami." sabi ni Gng. Valrianna at umakyat sa ikalawang palapag kasama si Ate.

Nararamdaman kong may harang ang bawat silid dito sa bahay nila.

"Ate Nath nais mo ba ng maiinom?" alok ni Lily sakin habang inaabot ang isang basong dugo.

"Hindi na Lily, salamat." sabi ko at inayos ang pagkakaupo.

"Marami bang bumibili sa inyo ng mga koronang bulaklak Lily?" tanong ko.

"Ngayong Moon Festival, oo pero kung ordinaryong araw lang ay maliit lang ang kita. May mga araw din na may okasyon at dito sila bumibili." sagot niya. Tumatango tango naman ako habang pinapakinggan ang sagot niya.

Vampire Queen's Runaway DaughterHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin