<#94.Nyx' Letter>

80 5 2
                                    

Kyline's POV

Hello, everyone!

Still remember me?

Sa mga hindi na, magpapakilala ulit ako.

Ako si Kyline Danica Bloodsworth Redfiel. Anak ni Prinsipe Verux na anak ng kasalukuyang Reyna ng mga bampira. Ako yung nagpanggap bilang susunod na reyna ng mga bampira.

Uunahan ko na kayo. I'm a total bitch at wala po akong pakialam sa mga sasabihin niyo.

Anyway, its been more than four months simula ang pagkawala, I mean pag-alis nina Nyx at ang mga susunod na mamumuno ng kani-kanilang lupain at kasama na doon sina Rene at si Hugo, mylabs. Pero hindi na siya pwede dahil ang mga napiling mandirigmang bampira ay para lamang sa kanilang mga reyna.

Pero ang hirap magmove on kay Hugo ah. Hindi naman siya ganun kagwapo, mas gwapo pa yung kasintahan ko ngayon eh. Yun nga lang, may natatanging karisma si Hugo na wala sa iba.

Enero na ngayon. Malapit na ang pagtatapos ng klase at ang graduation naming mga Grade 12. Sayang nga lang, hindi makakagraduate sila Nyx.

Sandali, bakit ko nga ba sila iniisip?

Ah, oo nga pala.

Bukod sa pagiging weird ng pagtahimik ng mga rebelde, may weird na nangyayari rin sakin ngayon.

Nandito ako sa dorm ko. Mag-isa lang ako dito. Minsan ay dito natutulog sina Hilda.

Nakahiga ako sa kama ko ngayon habang tinitingnan ang sulat na ikinagulat ko. Sulat kamay ko ito ngunit hindi ko maalalang sinulat ko ito.

Babasahin ko na sana ng biglang bumukas ang pinto kaya nalaglag ako sa kama ko dahil sa pagkabigla.

"MAGANDANG ARAW, KYLINE!" bati ng mas bruhang nilalang kaysa sakin, si Hilda.

"Magandang umaga." nakangiting bati ni Margaret na nasa likod ni Hilda.

"Magandang umaga, Prinsesa Kyline." masayang bati ni Wendy na nasa tabi ni Margaret.

"Mga walanghiya. Bakit ba kayo nanggugulat?" inis na sigaw ko sabay himas ng balakang ko. Masakit eh, ano ba?

Nakita ko naman ang pagkabigla nila dahil sa pagsigaw ko.

"Hindi mo ba naramdaman na parating kami?" takang tanong ni Hilda.

"Tingin mo? Magugulat kaya ako kung alam ko?" inis kong turan bago ulit bumalik sa kama para umupo.

"Pasensya na. Ikaw naman. Bakit ang init ng ulo mo? Kiaga-aga eh."

Pumasok naman sila ng tuluyan at sinara ang pinto. Wala sina Patty at Rosette. Baka busy ang dalawang lintang yung but I'll ask Hilda about them later.

"Wala. May gumugulo lang talaga sa isipan ko."

"Aiy, sino yan, Prinsesa Kyline? Yung kasintahan mo? Yung transferee? O yung gurong lobo?" mapang-asar na sabi ni Wendy.

"Gosh, Hilda. Anong ginawa mo sa inosenteng si Wendy? Nahawaan mo na siguro siya ng virus mo, no?" pekeng nag-aalalang tanong ko pagkatapos ay niyakap si Wendy. Si Hilda naman ay inirapan ako at bumulong pa. Hindi lang sabihin eh.

"Baka sa'yo?"

Ngumisi naman ako. Si Wendy ang pinakabata samin. Siya lang yung mabait at inosente sa barkada at ayokong mawala yun at mahawa saming mga maldita niyang kaibigan.

"Anyway, highway, none of the above sa mga binanggit mo, baby Wendy." sabi ko sabay pisil ng magkabilang pisngi niya na nagpabusangot sa kanya kaya napatawa ng malakas si Margaret dahil namula.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now