<#47.How Unlucky!>

179 11 0
                                    

Nathalia's POV


"Bakit ba hindi kayo lumaban ng patas?"

Inis na sabi ko at tumayo. Masakit yun ah. Dalawang pader ang nasira. Pinunasan ko ang dugo sa labi ko. Marami na akong galos.

Lumapit ako ng ilang metro ang layo sa kanila. Nakita ko namang tinulungan niya si Kyline upang tumayo.

Nabaling ang tingin niya sakin at parang papatay ito ano mang oras. Mabilis siya sumugod at pinagsusuntok ako. Mabilis ko lang inilagan ito.

"Hinihipnotismo ka lang niya Hugo. Please Hugo, hear me. Snap out of it." sabi ko habang iniiwasan ang suntok niya.

Sisipain niya ako sa ulo gamit ang kanang paa niya kaya sinangga ko ito ng kaliwang braso ko. Pakshet masakit ah. May paso pa naman ang braso ko.

Sisipain niya ulit ako sa balakang pero sinangga ko ito ng kanang paa ko. At umikot para masiko siya.

Sorry Hugo. Alam kong ginamitan ka lang ng hypnotism. Pinunasan niya ang dugo na lumabas sa ilong niya.

"Ahhh!" sumugod ulit siya. Suntok, sipa, ilag, sipa, suntok. Paulit ulit na lang.

At natamaan ko siya sa mukha kaya napaatras siya ng kaunti.

"Tulungan niyo si Hugo." rinig kong sabi ni Kyline ng dumating sina Hilda.

Napakuom naman ako ng kamao ko. Bwisit ka Kyline.

Pupuntahan ko na sana si Kyline ng humarang sina Hilda, Margaret at Rozette. Napa-tss na lang ako. Sabay silang sumugod pero mabilis ko lang itong nailagan. Sumali naman si Hugo kaya nahihirapan na akong ilagan ang ilan sa mga suntok nila.

Naiinis na ako kaya nakatanggap si Hilda ng isang suntok. Sinipa ko naman si Margaret sa panga at nagflip.

"rhhh!" mas lalong tumingkad ang kulay pulang mata ko. Marami na akong natanggap na galos mula pa kanina. Punit na rin ang itim kong long sleeve. Buti na lang at may sando ako sa loob.

Sumugod sakin si Rozette nang mailagan ko ang suntok niya at tinuhod siya sa sikmura. Sunod ko siyang sinuntok kaya napadaing ito. Susuntukin pa sana niya ako ng masalo ko ito at inikot. Binali ko ito na labas talaga ang buto at sumirit ang dugo.

"Aaahhhhhhhhh!" sigaw na daing niya. Kinuha ko ang silver band niya na ginawa niyang headband.

"ROZETTE!" sigaw ni Margaret.

"Ikaw! Yaahhh!" sumugod si Hilda kasama ni Margaret.

Hindi ba nila naisip na kaya kong gawin sa kanila ang ginawa ko kay Rozette?

"How unlucky." nakangisi kong sabi.

Umiilag lang ako hanggang sa maramdaman kong pagod na sila. Siguradong marami din silang nakalaban papunta dito sa gitna. At wala na ang dalawa pang kasamahan nila na si Patty at Wendy nang pumunta sila dito.

Nahawakan ko ang paa ni Margaret ng sisipain niya ako sa ulo. Iniilagan ko lang ang suntok niya habang hawak ko ang kaliwang paa niya. Hanggang sa sisipain na ako ni Hilda pero hinarang ko ang paa ni Margaret kaya lumabas ang buto nito sa ilalim at tumulo ang dugo.

"AAAHHHHH!" sigaw ni Margaret sa sakit. Nagulat naman si Hilda.

"Its yummy to taste blood pero hindi masarap ang dugo ng bampira especially yours." sabi ko ang binasa pa ang labi ko.

Binitawan ko ang paa ni Margaret at hinawakan ang mukha ni Hilda at nilampaso sa lupa na may dugo ng kanyang dalawang kaibigan. Sinuntok ko si Hilda sa mukha ng dalawang beses pero natigilan ako dahil parang mamatay na ito kapag ipinagpatuloy ko pa. Hindi natuloy sa mukha niya ang pangatlo kundi sa lupa na malapit sa mukha niya.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now