<#87.My Father>

116 9 1
                                    

Vrnyxia's POV

"Salamat Kuya Max." pagpapasalamat ko habang inaabot niya sakin ang ilan sa mga gamit ko na ipinakuha ko sa kanya.

"Walang anuman. Sige mauna na ako." sabi niya bago tinungo ang silid kung saan naroroon si Ate Lia.

Pumasok ako sa silid ko at nilagay sa kama ang kahon.

Napansin kong umiilaw ang papel na nasa mesa ko kaya pinuntahan ko ito. Ito yung papel na galing kay Reyna Vrnyxille.

Hinawakan ko ito ngunit nabitawan ko rin naman kaagad dahil nagkasugat ako sa paghawak ko pa lang.

Sinipsip ng papel ang dugong mula sa sugat ko at umilaw muli ang buong papel. Nahati ang papel. At katulad ng nangyari sa Hexen ay may lumitaw na imahe sa harapan ko.

"Reyna Wystela?"

"Magandang araw sayo Prinsesa Vrnyxia." nakangiti nitong pagbati.

"Magandang araw din sayo Reyna Wystela." bati ko pabalik.

"Kamusta na ang kapatid mong si Lia?" tanong nito.

"Hindi ko alam. Kasalukuyang nandoon sina Ina at Ms. Jing kasama ang bisita nila na si G. Vanhelsing." sabi ko.

Buti na lang at hindi si Reyna Vrnyxille ang kausap ko. Mag-aaway lang kami noon.

"Nagkakilala na pala kayo ni Onex?" tumango ako.

"Reyna Wystela, anong maitutulong ni G. Vanhelsing sa kalagayan ngayon ni Ate?" tanong ko.

"Marami nga sa ating kasaysayan ang nabura at hindi na naipasa."

"Anong ibig ninyong sabihin?" takang tanong ko.

"Ang mga Vanhelsing ay parte ng maharlikang pamilya ng mga bampira. Sila ang pumapangalawa noon, pangatlo naman ang Redfiel."

"Ngunit bakit wala nakatala tungkol sa kanila?"

"Malakas ang dugo ng mga Vanhelsing na kayang makapagpagising ng matagal nang nakahimlay ngunit dahil doon ay inakusahan silang trayidor. Malaking pagkasala ang ginawa nilang pagkampi noon kay Villaine. Inubos ang pamilya ng mga Vanhelsing at ang anak lang ng unang Reyna ng mga bampira ang nakaligtas." pagkukwento niya.

Nakapagpagising ng matagal ng nakahimlay ang dugo nila?

At anak la lamang ng unang Reyna ng mga bampira ang natira?

"Si Reyna Vrnyxille?" tumango naman si Reyna Wystela.

"At bakit narinig ko ang pangalan ko?" rinig kong tanong sa kabila.

Bigla namang napalingon si Reyna Wystela dahil doon.

"Pinag-uusapan lang namin ang pamilyang Vanhelsing."

Kung ang huling Vanhelsing na natira ay anak ni Reyna Vrnyxille, ibig sabihin anak niya si G. Vanhelsing?

"Nyx, kamusta na ang Ate mo?"

"Bakit hindi mo muna sagutin ang tanong ko noong huli?"

"Hahaha 'yun ba? Paminsan minsan ay naliligaw ako sa panaginip ng kapatid mo." nakangising sabi niya.

Pero bakit parang may kulang sa mga sinabi niya?

"Ngayon, bakit hindi mo kami dalhin sa kinaroroonan ng kapatid mo?"

Wala na akong nagawa kundi kunin ang kalahating papel at tinungo ang silid ni Ate sa ika-apat na palapag.

Doon nakita ko si Kuya Max at Ms. Jing kasama si Kuya Val, Ate Dawn at Ate Zawn na naghihintay sa labas ng pintuan.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now