<#31.Confused>

175 16 0
                                    

Coralline's POV



"Nakita niyo ba talaga si Prinsesa Vrdyllia?"

"Oo nga eh. Nandoon siya kanina sa Cafeteria."

"Tama. May kasama pa ngang estudyante na kalaban daw nila Hilda."

"Hindi ba't isa sa Royal Family si Hilda?"

"Oo. Pero ang kasama ni Princess Vrdyllia kanina ay isang loser lang."


Ang iingay naman nila. Ano ba ang pinag-uusapan nila?

"Hahaha Oo nga. Sabi daw ni Hilda na hamunin natin siya sa battle at kung sino daw ang makakatalo sa kanya may pabuya."

Si Hilda, Hilda Decreto ba? Baka siya nga. Siya lang naman ang Hilda na sikat sa school. Ano naman kaya ang pinaplano nila?

Papunta na ako sa tabing dagat ngayon dahil siguradong nandoon na sina Flaur. Hapon na naman kasi at kakatapos lang ng klase namin.

"Hello sa inyo." bati ko sa kanila nang makarating ako. Bakit dalawa lang sila ang nandito? Nasaan sina Lorycs at Alwin?

"Hi Coral." nakangiting bati ni Flaur. Ang gulo din ng babaeng 'to, minsan mahinhin na ayaw makabasag pinggan, minsan naman masungit mana sa Ina niyang palaging nagtataray.

"Hey." nakangiting bati rin sakin ni Devlin. It took him this long para makapag-adjust. Minsan kasi tahimik lang siya o di kaya ang ikli ng sinasabi.

"Nasaan ang dalawa?" tanong ko at umupo sa batuhan. Nilagay ko naman ang bag ko sa tabi ng bag ni Flaur.

"Bumili ng pagkain." sagot ni Flaur habang nagbabasa ng spells niya.

Tatlong araw na ang nakalipas ng mabully kami ng grupo ni Hilda na nakita kami ni Nathalia sa ganoong sitwasyon. Hinayaan lang namin sila at hindi na kami lumaban dahil maaaring magdulot ito ng hindi pagkakaunawaan na naman namin ni Kyline. Isa pa, mga alipores niya ang mga yun, baka siraan lang kami 'pag nagkataon. Simula ng araw na iyon ay hindi na naulit pa ang pangbubully nila. Kapag magkasalubong kami sa daan ay nginingisian lang nila kami at pagtatawanan. Minsan nga napagkamalan na naming baliw.

"Ang tagal naman yata nila." sabi ko at tatayo na sana ng dumating sila na may bitbit na mga pagkain.

"Hi Coral." bati sakin ni Lorycs.

"Bakit ang tagal niyo?" inis na tanong ni Flaur sa kanila.

"Hehehe Pasensya na. May nakita kasi kami." sabi ni Alwin at napakamot sa ulo niya.

"Ano naman iyon?" tanong ni Devlin habang kumukuha ng pagkain.

"Nakita lang naman namin si Princess Vrdyllia." malakas na sabi ni Lorycs.

So tama ang mga narinig ko kanina. Nandito talaga si Princes Vrdyllia.

"Talaga?" nagniningning sa tuwa na sabi ni Flaur.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now