<#11.A Challenge & Immortalis' History>

208 16 0
                                    

Nyx/Nathalia's POV

"Hindi mo ba kilala kung sino ang nasa harapan mo? Ako lang naman si Prinsesa Kyline Danica Bloodsworth, ang susunod na Reyna ng Vampir." sabi Kyline.

Para malaman mo, wala akong pakialam. Gusto kong sabihin ang mga kagang iyon ngunit hindi ko ginawa. Hindi dahil takot ako (na hindi naman), ayoko lang magsayang ng laway sa mga walang kwentang bagay. Katulad ng impostor na nasa harapan ko. Tss, ang kapal ng mukha niyang sabihin sa harapan nang tunay na susunod na Reyna ng mga Bampira.

"Tumabi ka." madiin niyang sabi ngunit hindi ako umalis sa pwesto ko.

"Princess if you want to fight, not here. Challenge us, we'll glad to accept it." sabi ni Devlin na nasa likod ko na. Tinulungan naman ni Alwin si Flaur papunta kay Coral dahil mukhang nawalan ng malay ang dalawa. Nakatayo naman ng maayos si Lorycs habang hawak ang panga niyang may dugo.

"Just tell us where and when." sabi ko. Mukhang nainis ko siya.

"Fine then, the battle is six versus six. I'll see you in the Battle Arena next week Wednesday, 8 am." nakangisi niyang sabi. Para mainis siya lalo ay nginisian ko naman siya pabalik.

"Challenge accepted." sila na ang unang umalis.

Umalis na rin yung mga estudyanteng echosero't echoserang ayaw madamay sa gulo.

Binuhat na ni Alwin si Flaur at Devlin si Coral. Hindi pa nga dapat papayag si Lorycs dahil siya daw ang magbubuhat kay Coral. Nakatanggap lang naman siya ng death glare mula sa aming tatlo kaya pumayag na din. Alam ko naman kasing masakit ang likod niya sa pagkakatama nito sa pader.

Nang makarating kami sa clinic ay agad silang inasikaso ng mga nurse.

"Nurse, ayos lang po ba sila?" tanong ni Alwin.

"Ayos lang sila. May kaunting damage lang ang likod nila at pisngi pero okay na sila. Ikaw, okay ka lang ba?" tanong ng nurse sakin. Tumango lang ako sa kanya.

"May gasgas kasi ang kaliwang kamay mo." isang bampira ang nurse. Mas matalas ang paningin niya kaysa sa ibang pa niyang mga senses.

"Gagaling din po ito mamaya." nakangiti kong sabi.

Umalis na yung nurse na kinausap namin. Ilang sandali pa ay nagising na yung tatlo. Pinatulog din namin kasi si Lorycs.

"Okay lang ba ang pakiramdam niyo?" tanong ni Alwin.

"Oo. Teka, asan tayo?" tanong ni Coral.

"Sa clinic tayo Coral." sagot ko sa tanong niya.

"Ano ba ang nangyari?" tanong ni Flaur.

Ikwinento namin ang nangyari sa kanila. Kasama na ang hamon ng prinsesa samin.

"So... Prinsesa pala ang pangit na yun?" sabi ni Flaur.

"Pasensya na. Kung hindi dahil sakin, hindi tayo aabot sa ganito." nakayukong sabi ni Coral.

"It's fine. We're the one who provoke her. Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo. Lalaban tayo sa kanila kahit sila pa ang pinakamalakas dito sa Mixtus High." sabi ko sa kanila.

Lalaban kami at hindi ko hahayaan na api-apihin lang kami dito. Nandito ako para mag-aral hindi para apihin.

Pero mukhang hindi ko na matutupad ang pangako ko kayla Ate nadapat ay mag-ingat ako at hindi mapansin. Ngayon mukhang malaking gulo 'to para sakin at hindi maiiwasan na mapansin niya ako dahil sa pagsalungat sa impostorang prinsesang yun.
.
.
.
...

Mabuti naman at nagpadala ako ng excuse letter para sa aming anim sa bawat klase at syempre hindi mawawala ang signature ni Nurse Joy para may patunay na narito kami sa clinic.

Vampire Queen's Runaway DaughterOnde histórias criam vida. Descubra agora