<#74.With the Pylinx Usna>

128 12 1
                                    


Third Person POV

Nakaupo ang lahat ng pinuno sa isang malawak na silid kasama ang mga susunod na pinuno at isang bampirang mandirigma at isang blood breaker. Ngunit hindi nila kasama ang mga pinunong namatay na, ang mga kasalukuyang pinuno, ikaapat na pu't walong pinuno, ang mga unang pinuno at ang susunod na pinuno ng mga bampira.

"Nandito na ba ang lahat?" tanong ng Haring Demonyo ng ika-apat na henerasyon, ang pinakamatandang pinuno sa silid.

Ang pangalawa at ikatlong mga pinuno ay nagpasyang wakasan na ang kanilang buhay. Ang ilang pinuno ng ibang henerasyon ay ganundin at ang ilan naman ay namatay ng digmaan laban sa Reyna ng mga bampira ng ika-dalawampu't isang henerasyon.

"Nandito na nga ang lahat Haring Bartimus maliban sa Pylinx Usna." sabi ng ika-sampung Reyna ng mga Mangkukulam, Reyna Helga.

"Maaari ba naming malaman kung ano ang dahilan ng pagpupulong na ito Haring Bartimus?" tanong ng ika-labingsiyam na Reyna ng mga Bampira, Reyna Valierta.

"Sila lang naman." sabi ni Haring Bartimus at tinuro ang mga pinakabatang nilalang sa silid.

"Patawad sa pagpasok namin ng walang pahintulot ngunit kami'y may dahilan sa pagpasok dito." sabi ng susunod na Hari ng Diaxor.

"Batang prinsipe, kahit ano man ang inyong dahilan o sadya dito sa kastilyo ay lumabag kayo sa patakaran." sabi ni Haring Bartimus.

"Ngunit Haring Bartimus may nais lamang na malaman ang aming kaibigan kaya kami nagtungo dito." nakayukong sabi ni Flaurelle.

"Hindi ito dahilan upang pumasok kayo ng walang pahintulot. Kahit sabihin pa nating kayo ang susunod na mga pinuno ng Immortalis ay kailangan niyo pa ring parusahan." sabi ng ika-apat na Reyna ng mga bampira, Reyna Vyoletta.

"Hindi namin itinatanggi ang aming naging kasalanan gayundin ang aming kaparusahan ngunit bago niyo kami parusahan ay nais muna naming makita ang isa pa naming kaibigan." nakayukong sabi ni Alwin.

"Reyna Viviora ikaw ang unang nakahanap sa kanila, hindi ba? Saan ang kanilang tinutukoy na kaibigan?" tanong ni Reyna Dynnlie, reyna ng ikatatlongpu't pitong henerasyon ng mga Sirena.

"Ako nga ngunit pakiwari ko ay ang Pylinx Usna ang may hawak sa kanya dahil sa nakita kong simbolo." sabi ng Reyna Viviora at pinakita ang simbolong nakita niya sa silid aklatan ng mga bampira.

Lumutang sa gitna ang simbolo para makita ng lahat.

"Sino ba ang kaibigan na tinutukoy nila?" tanong ng ika-apatnapu't dalawang Hari ng mga Lobo, Haring Lomus.

"Siya ang susunod na Reyna ng mga Bampira." taas noong sagot ni Lorycs.

"Ngunit hindi ba ay walang malay pa rin ang susunod na Reyna ng mga Bampira?" takang tanong ng ikadalawampu't limang Hari ng Elementus, Haring Fediel.

"Hindi ba nila alam na nagpapanggap lamang si Kyline?" tanong ni Rene sa kanyang isipan.

"Hindi ko na nais malaman pa iyan. Ipatawag ang kanilang mga magulang at sila na ang bahalang magparusa sa kani---"

Naputol ang sasabihin ni Haring Bartimus ng isang malakas na enerhiya ang kanilang naramdaman kasunod ng isang lindol at pagsigaw.

"TUMIGIL KA NA!"

Patuloy pa rin ang paggalaw hanggang sa huminto ito pero nararamdaman pa rin nila ang malakas na enerhiyang hindi nila kayang tapatan.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now