<#95.>

23 1 0
                                    

Third Person POV

Sa mundo kung saan naninirahan ang mga Dyos at Dyosa, ang Ilumin, ay nagsasanay ang walong nilalang mula sa Immortalis, sa lupain na pagmamay-ari ni Dyos Lumin at Dyosa Luna, ang dyos at dyosa ng bituin at imortalidad.

Nasa gubat sila at patuloy sa pagsasanay kasama ng nagsasanay sa kanila, ang mga dating pinuno ng Immortalis at iba pang mga nilalang na tinawag ni Dyos Lumin at Dyosa Luna.

"Wala ka na bang mas ibibilis pa?" tanong ng Reyna ng mangkukulam ng ika-tatlong henerasyon kay Flaurelle na hirap na hirap na.

"Ang tunay na lakas natin ay nasa tubig kaya kailangan mo mag-isip ng paraan para makalaban ng matagalan sa lupa." turan naman ng Reynang Sirena ng ikatlong henerasyon kay Coralline na abala sa pagtakbo para palakasin ang stamina niya.

"Kahit na mahina ang ating ibang elemento kaysa ating liwanag ay dapat mong palakasin ito at sanayin. Subukan mo ulit na palabasin sila ng sabay sabay." sabi ng Haring Elemanto ng kaparehong henerasyon kay Alwin na hirap paring pagsabayin ang apat na elemento sa palad niya.

"Malakas ang mga pandama ng isang lobo pero mas kailangan mong tutukan ang pang-amoy at pandinig mo." saad ng Haring Lobo kay Lorycs na nasa anyong lobo nito at may piring sa mata.

"Kulang pa. Dagdagan mo pa ng lakas at pwersa." saad naman ng Haring Demonyo kay Devlin na nasa anyong demon nito.

"Walang tayong kakaibang kapangyarihan pero dahil pinagkalooban kayo ng Dyos at Dyosa ng kapangyarihan ay dapat na sanayin mo itong mabuti kasama ng espada para maprotektahan ang iyong magiging reyna." turan ng mandirigmang bampira ng ika-tatlong henerasyon kay Hugo habang nakikipag-espadahan.

"Huwag kang kabahan. Kailangan mo lamang na maniwala sa sarili mo." sabi ng isang nilalang na katulad kay Rene.

Magkahiwahiwalay silang pito sa malawak na lupain na pagmamay-ari ng dalawang dyos ng bituin.

Habang si Vrnyxia naman ay nagsasanay, o mas mabuting sabihin na nilalaban ng sabay ang Reyna ng mga bampira ng ika-tatlongpu't-isa at ika-apat na pu't-isang henerasyon.

"Muntik na ako doon. Mabuti na lang at nakailag ako."

"Mas malakas ka kaysa sa inaasahan, Prinsesa Nyx."

"Pero hindi pa sapat para matalo si Reyna Villaine."

At muling sinugod ang dalawang Reyna.

Sa huli ay natalo siya.

Pagkatapos ng walong oras na paglalaban ay naubos ang enerhiya niya at hindi na magawang makapaglabas ng apoy na siyang ikinatalo niya. Ang dalawang reyna naman ay tumawa na lamang dahil dito kaya napasimangot siya. Ngayon pa lamang nakatagal si Nyx sa laban habang sabay sabay ang paglabas niya ng dalawang kulay na apoy.

"Nakakainis."

"Hahaha kamusta ang katawan mo?" natatawang tanong ng ika-apat na pu't-isang Reyna ng mga bampira na si Reyna Valrynna.

"Argh!" napabusangot na lang si Nyx dahil sa tanong nito. Hindi niya kasi maigalaw ang katawan niya.

"Masasanay ka rin sa pagpalabas ng apoy ng sabay." sabi naman ni Reyna Vefrinne, ikatatlongpu't isang reyna ng mga bampira. At binuhat si Nyx na parang sako na nagpatawa muli kay Valrynna dahil nagmumukha siyang parang lantang gulay.

"Noong nakaraan, tatlong oras lang ang tinagal mo. Ang laki ng pinagbago mo at inabot pa tayo ng gabi."

Madilim na nga ang paligid, hindi katulad noong unang pumunta silang walo dito sa Ilumin na kahit gabi na ay parang umaga pa rin. Magkasalungat ang panahon sa Ilumin at sa Immortalis. Kung gabi sa Immortalis, umaga naman sa Ilumin.

Vampire Queen's Runaway DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon