<#42.Battle Competition: Mermaids and Elementals>

181 14 0
                                    

Nyx/Nathalia's POV


"Ang unang lahi na maglalaban-laban ay...



...mga Mermaids."

Tumingin ako sa upuan ng mga Mermaids at hinanap si Coralline. Nasa bandang harapan siya nakaupo.

May nabuo namang force field palibot sa battle ground kaya tiningnan ko kung saan nagmula. May nakita akong mga gurong witches na nakatutukot ang wands nila sa battle ground. Napuno ng tubig ang battle ground. Parang isang malaking aquarium ang battle ground. May mga seaweeds pa at malalaking corals.

"Ito ang battle underwater niyong mga sirena. Ang sino mang lumutang o umalis sa tubig ng kahit anong parte ng katawan niya ay tanggal na sa paligsahan." sabi ni G. Seth.

"Kunin niyo lamang ang silver band nila at kusa silang maaalis sa battle ground o battle underwater." sabi naman ni Bb. Hale.

"Kung handa na kayong mga sirena ay pumunta na kayo sa pinto na iyon at magsisimula na ang laban niyo." sabi ni G. Seth.

Tumayo naman ang mga sirena at palinyang pumunta sa pintong nakabukas na may dalawang witches na nagbabantay. Hindi lumabas ang tubig mula sa pintong iyon dahil sa dalawang witches.

May pumasok na isang sirena sa pinto at bigla siya nagkaroon ng buntot. Pagkatapos noon ay sunod sunod na ag pagpasok ng mga sirena sa battle ground nila. Mahigit sa limampu silang mga sirena.

Hinanap ng mata ko si Coral at nakita ko ang maganda niyang anyong sirena. May pagka-berde ang katawan ng buntot niya at blue green naman sa buntot nito. Ang palikpik niya na may halong lila at pula ganundin sa bra niya na gawa sa corals pero may halong pink. Bumagay ito sa reddish na buhok niya at berde niyang mata na handa nang lumaban.

"Handa na ba ang lahat sa unang lahi na maglalaban-laban sa Battle Competition?" tanong ni G. Seth.

Karamihan sa sumagot ay sumigaw kasama na dito ang iilan sa mga bampira at lobo na napatakip din naman ng tenga. Hahaha buti nga sa kanila.

Lahat ng sirena ay nakapasok na at nagpalit na ng anyo. Naitali na rin nila ang mga silver band nila. Itinali ni Coral sa kaliwang kamay niya ang silver band niya.

"UMPISAHAN NA!" sabay na sigaw nilang dalawa.

Nagkakagulo na sa loob at ang bibilis ng mga galaw nila. May ilan na naglalaban para kunin ang mga silver band nila. Ang iba naman ay umiiwas para hindi lang makuha ang sa kanila. Nakita ko naman si Coralline na kalaban ang isang lalaking sirena. Ilang palitan pa ng suntok ang ginawa nila bago makuha ni Coral ang silver band ng lalaki na nakatali sa ulo nito.

Naging bula ang lalaki at bumalik ito sa dating kinauupuan niya na may buntot pa.

"Kainis!" rinig kong sabi niya.

Nawala ang buntot nito at umayos ng upo.

Binalik ko naman ang tingin ko sa battle underwater. Marami na rin ang naging bula at bumalik sa kanya kanya nilang upuan kaya hinanap ko si Coral.

May kalaban siyang isang babae na mukhang mataray at parang may pinag-uusapan sila. Hindi kasi namin maririnig ang mga pag-uusap nila sa loob. Nakita kong napatakip ng tenga ang ilang sa mga sirena kaya ilan sa amin ay nagtataka kung anong nangyari.

"Anong nangyari?" tanong ng bampirang hindi malayo sakin.

"Baka may sumigaw sa loob." hindi siguradong sagot ng katabi nito.

Baka tama siya. Iba naman kasi ang pandinig ng mga sirena sa ilalim ng tubig at dahil na rin sa malakas na force field ay wala kaming marinig.

Sinugod naman ni Coral ang kaharap niya at sinuntok ito sa mukha. Inalis na ng mga sirena ang kamay nila sa tenga at pinagpatuloy ang laban.

Vampire Queen's Runaway Daughterحيث تعيش القصص. اكتشف الآن