<#98.Party or Riot?>

54 2 4
                                    

Isang masquerade ang pagdiriwang na ipinagdiwang sa Manwulf.

Nakatanggap ng imbitasyon sina Kuya Max at ibang mga kapitan kaya dumalo kami kasama ang ilan sa mga blood breaker. Kasama din namin ngayon sina Mama Merlita at ang iba pa.

Kahapon lang kami nagpakilala sa kanila bilang kami. Pinaliwanag ko rin sa kanila kung bakit hindi sila makapasok ng Diel sa halos isang taon. At halos maubusan ako ng hangin sa mga nakakamatay na yakap nila. Pinangaralan ako ni Mama Merli kung ano ang mga nangyayari sa loob ng palasyo.

Alam ko naman na nag-aalala silang lahat dahil dapat ay noong nakaraang taon pa dapat kami nakauwi.

At ngayon papunta na kami sa Manwulf.

Nakagown ang mga babae at nakatuxedo naman ang mga lalaki. Nagpatulong kami sa paggawa ng damit kina Ms. Gail at Ms. Gill.

Papasok na kami sa palasyo nina Lorycs at ang ganda ng desinyo kahit na nasa gitna ito ng gubat at tuktok lamang ang makikita sa malayo dahil sa nagtataasang mga punong kahoy na nakapalibot dito.

Natatawa na lamang ako sa mga nakangiwing mukha ng ibang mga bampira na narito. Ayaw nila sa amoy ng lobo at ganundin naman sa mga lobo. Pero ako, sanay na, sa malakas na amoy pa lang ni Lorycs.

Nakahanap kami ng pwesto, malayo kung saan nakaupo ang mga kasalukuyang namumuno sa bawat lupain. At nagsimula na ang pagdiriwang sa pagbigay nila ng mensahe na pinangunahan ng Haring Lobo. Pagkatapos ay sinundan ng tradisyonal na sayaw at iba pa.

Nagpaalam namam ang iba kong kaibigan na magliwaliw lalong lalo na si Lorycs kaya napailing na lamang ako. Ngayon, ako na lamang mag-isa ang nandito.

Nakita ko si Kyline na nakabusangot habang ang kaibigan at kasitahan niya natatawa sa kanya. Nanatili ang tingin ko sa kanila nang may mapansin akong may nakatingin sakin kaya binalingan ko ito ng tingin.

Kahit nakamaskara ito alam kong nakakunot ang noo niya. Siya ang unang umiwas ng may tumawag sa kanya kaya umalis na ako bago pa bumalik ang tingin niya.

Ramdam ko ang iba't ibang kulay ng mata na nakatingin sakin na parang nagtataka. Papunta kasi ako sa hardin ng palasyo.

Nang makarating ako ay agad akong umupo sa ilalim ng puno sa gitna ng hardin at hindi na inabalang ang dumi na kakapit sa damit ko.

Ang punong ito ay ang paboritong puno ni Ate Lia. Nilalasap ko ang sariwang hangin at katahimikan dito kahit na rinig ko ang mga tawanan sa loob ng...

"Mabilis lang naman eh."

Napalingon ako sa kaliwa ko ng may narinig akong dalawang taong nag-uusap.

"Pero nasa pagdiriwang tayo. Baka may makahuli satin."

"Ako ang bahala. Sige na."

Tumayo ako at lumapit sa kinaroroonan nila. Ngunit nanlaki ang mata ko sa naabutan ko.

The Hell...

Ano ba ang iniisip ng babaeng ito? Pangalan ko ang masisira kung may ibang makakita sa kanila sa ginagawa nilang ito.

Binalot ko ng harang sarili ko hanggang sa kanila bago tuluyang lumapit.

"Hindi talaga mapigilan?" turan ko sabay hawak sa balikat ng babae na siyang nakatalikod sakin habang ang kasintahan niya ang nakasandal sa puno.

"Ano bang pakialam mo?" sabay tapik sa kamay ko at hinarap ako na inis na inis.

Pansin ko tuluyang pagpula ang mga buwan. Kaya hindi ko napigilan ang pagkulay pilak ng mga mata ko na siyang ikinaatras niya.

"Pwede ba Kyline? Choose a proper time and a proper place. Huwag dito." seryosong turan ko at tumalikod na.

Ngunit napahinto ako ng binato niya ako ng sandals?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now