<#76.Worried>

113 7 0
                                    

Lorycs' POV

"Lorycs maaari bang iwan mo muna kami? Nais ko lang siyang sam-- kausapin." sabi ni Prinsesa Lia.

Bakit nais niyang makausap si Ina?

Ni hindi ko alam na magkakilala pala sila.

Tumango ako at lumabas na ng silid. Umupo ako sa sofa. Naalala ko muli ang kalagayan ni Ina.

Ang sabi ng isang lobong manggagamot ay malubha na talaga ang kalagayan ni Ina, na ang mga mangkukulam lang ang kayang makapagbigay ng lunas.

"Hay grabeh na talaga ang mga bilihin ngayon." sabi ng lalaking pumasok.

"Ama nakabili ka ba ng gustong kainin ni Ina?" tanong ko at tumayo.

Bitbit niya ang isang supot.

"Oo pero napakamahal dahil hindi napapanahon ang pagbebenta nito." sagot niya at pinakita ang silid ng supot.

Bumukas ulit ang pinto kaya napatingin kami ni Ama doon.

"Nakabalik kana pala Lorycs." sabi ng aking kapatid, si Gyldos. Siya ang panganay at ako naman ang bunso. May isa pa kaming kapatid, babae, si Ynnis. May asawa na siya kaya wala siya dito ngayon.

"Oo, kanina lang Kuya." sabi ko at nakipagfist bump sa kanya.

"Kamusta pala sa Vampir?" tanong niya.

"Ayos lang naman. Oo nga pala Ama, may bisita si Ina." sabi ko habang inaabot niya sakin ang supot.

"Sino naman ito?" tanong niya at umupo sa sofa.

"Si Prinsesa Lia."

Nanlaki naman ang mata niya at muntik nang mahulog sa sofa kaya taka kaming napatingin ni Kuya sa kanya.

"Si P-prinsesa Li-lia? Ang prinsesa ng mga bampira? Ang konseho nila?"

Napatango naman ako ng ilang ulit sa tanong ni Ama.

Mabilis naman siyang pumunta sa silid nila ni Ina at bigla na lang binuksan.

"Patawad Lia."

Naabutan naming humingi ng tawad si Ina at si Prinsesa Lia naman ay nakatayo sa gilid ng bintana habang nakatingin sa labas.

"Tss."

Wala nang sinabi si Prinsesa Lia at mabilis na umalis.

"Anong pinag-usapan niyo mahal ko?" tanong ni Ama at nilapitan si Ina na nakasandal sa headboard ng kama.

"Huwag mo nang alalahanin pa iyon mahal ko." mahinang sabi ni Ina.

"Lalabas muna ako." matigas na sabi ng aking kapatid at lumabas na. Sumunod naman ako sa kanya.

Ano nga ba ang pinagusapan ni Ina at Prinsesa Lia?

Bakit humihingi ng tawad si Ina kay Prinsesa Lia? May nagawa bang mali si Ina?

At kailan pa sila magkakilala? at mukha ring malapit sila sa isa't isa.

Ngunit sa ngayon hangad ko lamang na maging maayos ang kalagayan ni Ina.

Gusto ko pang makasama siya ng matagal. Makita na maging Haring Alpha ako ng buong pack ng Manwulf.

Bakit kasi ayaw niyang magpaggamot?

Sigurado naman akong kaya siyang pagalingin ng mga witches o wizards ng Hexen.

"Nakatulog na ang Ina mo Lorycs. Magpahinga ka na rin." sabi ni Ama ng lumabas siya ng silid nila Ina.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now