<#14.Truth or Truth>

220 16 0
                                    

Nyx/Nathalia's POV


It's Tuesday. At one week na ang nakalipas ng tinanggap namin ang hamon ni Prinsesa Kyline, the impostor princess. At one week na rin kaming nagtetraining.

Ang saya ng pakiramdam dahil kasama mo ang mga kaibigan mong nag-eensayo.

Narito kami ngayon sa likod ng school, sa tabing dagat. Nagpa-excuse kami sa lahat ng subject teacher namin ngayong araw para makapag-final training kami para bukas. May mga combos na kaming ginawa and some of them are success and some are not, pero pinapraktis pa rin namin.


Hanggang ngayon ay hindi parin namin alam kung sino ang makakalaban namin bukas. Unfair naman dahil kilala nila kami, kami hindi.

"Hey Nath. Salo!" sinalo ko naman ang binatong broomstick ni Flaurelle. Aanhin ko 'to? Takang tiningnan ko siya.

"Hehe may susubukan lang ako." sabi ni Flaur at tumalon sa dagat.

Hinintay ko namang pumaibabaw siya para malaman ko kung ano ang ginagawa niya. Ilang sandali pa ay si Coral ang lumabas at hindi si Flaur.

"Ang galing, hindi ba?" tanong ni Coralline.

"Anong magaling?" takang tanong ko nang biglang magpalit anyo siya bilang si Flaur.

"It's me, Flaurelle." masiglang sabi ni Coral este Flaur pala.

"How? Akala ko ikaw si Coral." hindi makapaniwalang sambit ko.

"Illusion. Kagabi ko lang natutunan ito. May nakita kasi akong libro sa library kung paano gumawa ng illusions kaya sinubukan ko hehe." sabi niya at humahon sa tubig.

Mabuti na lang at may barrier na nilagay si Flaur dito para hindi malaman kung ano ang ginagawa namin.

"That's was awesome!" sabi ni Alwin.

"Hey, go help Coral!" bulyaw sa kanya ni Flaur.

Tumakbo naman si Alwin palayo samin at pinapractice ang kapangyarihan niya. Hindi siya makapagproduce ng tubig kaya naghanda kami ng maraming tubig malapit sa Battle Arena bukas.

Umalis naman si Flaur pagkatapos kunin ang broomstick niya at lumipad. Si Devlin at Lorycs ay nagduduel practice. Iniiwasan ni Lorycs ang mga kutsilyong pakpak na nanggagaling kay Devlin. Sana hindi siya maubusan ng feathers hehe. Si Coral naman ay nasa ilalim ng tubig, pinapractice ang mga technique na gagamitin niya bukas.

May naramdaman naman akong kakaiba sa likod ko kaya yumuko ako. May dumaan lang namang patalim na muntik nang tumama sa ulo ko. Hinanda ko naman ang dagger na hawak ko at mabilis na pumunta sa likod.

"Sino ka? Anong pakay mo dito?" tanong ko sa kanya at tinutok ang dagger sa leeg niya.

Batay sa tindig niya ay lalaki siya at mas mataas kaysa sakin. Itim lahat ng suot niya at may takip sa mukha.

Hindi siya sumagot imbis ay lumayo siya at pinaulanan ako ng dagger. Mabilis ko namang iniwasan ang mga ito at mabilis kong tinungo ang direksiyon niya at nadaplisan ko siya. Naging pula ang mata niya ibig sabihin ay kauri ko siya.

Siya muli ang sumugod habang ako ay iniiwasan ang dalawang dagger na nasa magkabilang kamay niya. Hinigpitan ko ang hawak sa dagger ko at sinugatan ang kanang binti niya. Napaluhod siya dahil sa lalim ng sugat na ginawa ko.

"Sino ka ba?" tanong ko muli sa kanya.

"Hahahaha hindi ka parin nagbabago Miss. Ang galing mo paring makiramdam at makipaglaban." wait, parang pamilyar ang boses niya.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now