<#36.Creatures from Other Worlds>

209 15 0
                                    

Nyx/Nathalia's POV


Nandito pa rin ako sa banyo at naliligo habang ang tatlong lalaki ay hindi pa rin bumabalik sa dorm nila. Naamoy ko pa kasi sila at rinig ko ang pag-uusap nila. Pinag-uusapan nila si Kyline at ang grupo ni Hilda at tungkol sa papalapit na Battle Competition.

Pinalabas ko berdeng apoy sa kaliwang kamay ko at dilaw naman sa kabila sinigurado ko munang may barrier na nakapalibot sakin. Naalala ko ang nangyari kagabi sa Ilumin habang nilalaban ko ang nilalang na alaga ni Dyosa Ilumina.

Flashback

"Sige papayag ako kung... matatalo mo siya." sabi niya sabay turo sa likod ko.

Tumalikod naman ako para malaman kung sino ang makakalaban ko para makuha ang sagot sa tanong ko. Isang nilalang na gawa sa lupa at magma. Umiilaw pula niyang mata gayundin ang mga linya sa katawan niya. Kasing taas siya ng pinatayong kotse.

"Kung nais mong malaman ang sagot sa tanong mo ay talunin mo siya." sabi niya at tumayo. Tumayo na rin ako.

Katarungan para dito. Hindi patas ang laban.

"Hindi ba't napakadaya nito?" reklamo ko. Napataas naman siya ng kaliwang kilay at pinagkrus ang braso. Taray.

"Hindi napipili ang kalaban munting bampira. Nasa kanila kung nais nilang maging kaibigan o maging kaaway mo." sabi niya.

"Sige na." pagtataboy niya sakin.

Hinarap ko na ang nilalang na gawa sa bato. Mas mataas at mas malaki siya sakin. Siguradong mas malakas siya.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now