<#6.Memory of Torture>

229 15 0
                                    

Nyx' POV

Hindi ko alam kung bakit bumabalik pa rin ang mga alaalang nais kong kalimutan na pilit kong binabaon sa pinakailalim.

Flashback

"Halika!" sabay hila sakin. Malakas ang pagkahila niya na parang matatanggal ang braso ko.

"Ina, ayoko. Pakiusap ayaw ko huhuh." sabi ko habang umiiyak at sinusubukang alisin ang kamay ni Ina sa braso ko. Mapakasakit at mapakahigpit ang pagkahawak niya.

"Tumigil ka sa pag-iyak o tutusukin ko yan mga mata mo." galit na sabi niya sakin patuloy pa rin na hinihila ako.

Pumasok kami sa kwarto kung saan palagi niyang pinapahirapan ang mga nahuhuling Rogue Vampires, Turned Vampires at mga Ordinary Vampires na lumalabag sa mga batas niya.

"Ina ayoko!! Huhuhuh Ate Lia tulong!..huhuh!"

"Wala dito si Lia kaya TUMAHIMIK KA at kahit nandito man siya wala siyang magagawa kundi sundin ako." sigaw niya sakin. Tama siya pero alam kong pipigilan niya si Ina sa gagawin nito. Kahit na alam kong wala siya dito sa Vampir dahil may inaasikaso na naman siyang mahalaga umasa pa rin akong maririnig niya ang mga munti kong daing mula sa mahigpit na hawak ng aking Ina.

"Umupo ka! ANG SABI KO UMUPO KA!" malakas na sigaw niya sakin. Wala na akong nagawa kundi ang umupo dahil sa takot. Umalis muna siya at sa pagbalik niya ay may dala na siyang kadena at tinali niya ako doon sa upuan.

Vampire Queen's Runaway DaughterUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum