<#35.About Kyline>

205 17 0
                                    

Nyx/Nathalia's POV

"Bilisan niyo jan mga bata." sigaw ng tagapangasiwa dito sa Cafeteria.

Naghuhugas lang naman ako ng pinggan dito sa Cafeteria kasama si Hilda.

Ang iba namang alipores ni Hilda ay sa banyo naglilinis. Habang naghuhugas ako ng pinggan ay masama ang tingin sakin ni Hilda.

Napatingin naman ako sa kanya at binigyan siya ng isang bored na tingin. Binalik ko ang tingin ko sa mga pinggan na sinasabunan ko ngayon. Naghuhum lang ako habang nagsasabon. Ewan ko lang kay Hilda kung ano ang ginagawa niya.

Naramdaman ko naman ang papalapit na pinggan sakin kaya yumuko ako para ilagan iyon. Napatingin ako kung saang direksyon tatama ang pinggan. Papunta ito sa pasukan. Bumukas bigla ang pinto at pumasok si Sir Dale. Ang lapit na ng pinggan sa mukha niya nang tumigil ito.

"What the?" gulat na sabi ni Sir Dale.

"Sino ang bumato nito?" galit na sabi ni Sir Dale.

"Siya po." sabi ni Hilda na nasa likod ko kaya hinarap ko siya. Ako ang tinuturo niya.

"Anong ako? Ikaw ang bumato ng pinggan na 'yan, umiwas lang ako." inis na sabi ko sa kanya.

"Nagsasabi siya ng totoo Mr. Dale." sabi ng tagapangasiwa ng Cafeteria.

"Kayo po pala Mrs. Wiggins." nakayukong sabi ni Sir Dale. Nakatutok ang wand ni Mrs. Wiggins sa direksyon ni Sir Dale. Siya ang pumigil sa pinggan na malapit nang tumama sa mukha ni Sir.

Pinalutang niya ito papalapit sa direksyon ko hanggang sa lumapas ito papunta kay Hilda.

"Ms. Decreto huwag mo nang uulitin ang ginawa mo dahil kapag nangyari ulit ito, hindi lang ito ang parusang matatanggap mo." sabi ni Mrs. Wiggins.

"Hindi mo ba alam na isa ako sa Royal Family ng mga bampira?" sabi ni Hilda.

"Alam ko Ms. Decreto at kung ayaw mong makarating ito sa reyna ng mga bampira ay maging mabait ka." mahinahon na sabi ni Mrs. Wiggins. Napataas naman ng kilay si Hilda dahil doon. Napailing naman ako sa inasta niya.

"Then?"

"Sana malaman mo rin na isa akong prinsesa ng Hexen kaya sumunod ka sa pinag-uutos sa nakakataas sayo dahil alam kong wala sayo ang sundin ang utos ng nakakatanda sayo." sabi ni Mrs. Wiggins.

Napangisi naman ako doon habang si Sir Dale ay umiling lamang.

"Arghhh. May araw ka rin sakin matandang hukluban." bulong ni Hilda.

"Huwag mo nang subukan Hilda. Wala kang laban sa kanya." umiiling na payo ko at pinagpatuloy ang pagsasabon ko ng pinggan.

"Shut up Nathalia. You'll see." nakangisi sabi niya.

"Kung ako sayo Ms. Decreto ay sundin mo na lamang ang payo ni Ms. Xander. Kahit tulog si Mrs. Wiggins ay malalabanan kaniya." sabi ni Sir Dale sa likod namin.

Ngayong araw ay gagawin namin ang punishment namin dahil sa sobrang ganda ko hehehe.

Buti na lang kitchen chores lang ang parusa ko at hindi ang paglilinis ng banyo. Marami pa namang banyo dito sa Mixtus.

Matapos ang paghuhugas ng pinggan ay umalis na si Hilda kasama si Sir Dale. Ewan ko kung saan sila pupunta pero may hinuha akong may gagawin sila. Baka tutulungan ni Hilda ang mga alipores niya sa paglilinis ng banyo.

"Ms. Xander, tulungan mo ako dito." tawag sakin ni Mrs. Wiggins.

"Opo Mrs. Wiggins." pumunta ako sa kanya habang pinupunasan ang kamay ko.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now