<#10.Future Queen>

215 18 0
                                    

Nyx/Nathalia's POV

Hindi ko nalang sana pa tinanong ng hindi ako masaktan. Ganoon na ba ako ka walang kwenta upang palitan niya. Sabagay, halos limang taon akong nawala kaya hindi imposibleng pinalitan na niya ako bilang prinsesa at bilang anak niya.

Ngunit bakit pa ako pinabalik ni Ate dito kung may papalit na rin naman pala sakin. Mas mabuting mamuhay na lamang sa human world kaysa dito na pasakit lamang sa puso ko ang maging dulot ng mga kaganapan dito sa Vampir.

Umalis ako dito upang maputol ang kadenang nakatali pa rin sa katawan ko at sa kaluluwa kong nais makalaya mula sa mahigpit na tali ng isang bakal na kadena. Isang bakal na hindi ko kayang putulin o ng kahit na sino mang nilalang.

Natapos ang klase na wala akong naintindihan kahit isa sa naging leksyon ng guro namin. Tuliro akong nakatingin sa Open Field na maraming nilalang na nagsasaya at nagpapakitang-gilas. Hinihintay ko kasi ang mga kasama kong dumating.

"Gloomy mo ngayon ah."sabi ni Coral na kadadating lang.

"Sorry, I'm not in a good mood." sabi ko atsaka bumungtong hininga ng malalim.

"Ang lalalim nun ah." sabi ni Alwin na kararating lang kasama si Flaur at Devlin.

"Oo nga, hindi ko mahukay." sabi ni Flaur at inayos ang dala niyang libro.

"Hindi mo kasi kailangan hukayin para makita yun dahil nasa pusod ng dagat yun haha." sabi ko sa kanya sabay tawa na sinabayan narin nila sa bandang huli maliban kay Devlin.

"So, may pusod pala ang dagat? Eh nasan yung kamay, paa, at ulo niya atsaka yung malaking boo---" nakatanggap naman ng batok sakin si Lorycs dahil sa pinagsasabi nito.

Kararating lamang ni Lorycs, kaya mabilis akong tumayo at binatukan siya para hindi matuloy ang sasabihin niya.

"Masakit yun Nath ah." sabi niya sabay himas sa ulo niya.

"Umupo ka na nga. Kung ano pa kasi ang pinagsasabi." sabi ko at umupo ulit sa tabi ni Coral.

Hindi ko alam kung bakit ako ganito, kung bakit napaclose ko sa kanila samantalang isang araw ko palang sila kilala. Yung feeling na kilala mo na sila matagal na. Hindi ko alam pero parang ganun.

Nag-usap na lang kami tungkol sa kung ano-ano nang mapagpasyahan namin pumunta sa Cafeteria para kumain. Hindi ko aakalain na aabutan kami ng gabi sa pag-uusap.

Bumili na kami ng pagkain namin at nagsimula ng kumain nang may narinig kaming bulungan. Oo kami, nasa kabilang table lang naman kasi yung nagbubulungan. 

"Alam niyo bang darating dito ang prinsesa bukas?" sabi ng isa bampira.

"Si prinsesa Kyline? Ang aga naman yata ngayon." sabi ng isa pa.

"Ewan basta yun ang narinig ko sa nga guro dito." sabi ulit ng nauna.

Prinsesa Kyline? Sino siya? So hindi pala alam ng mga bampira ang totoong pangalan ng susunod na Reyna? Nakakainis, ang lakas naman ng loob niyang magpanggap bilang susunod na Reyna. O baka may nag-utos sa kanya na gawin yun. Si Ina ba? o ang Vampire Counsel?

"Uyy Nath maawa ka sa pagkain mo." tiningnan ko naman siya na parang nagtataka at binaling sa pagkain na nasa harapan ko ngayon. Hindi ko alam kung matatawag pa bang pagkain 'to. At ang hawak kong kutsara ay nabali sa higpit ng hawak ko.

"Pasensya na. May naalala lang ako." sabi ko at binitawan ang kutsara. Hindi na ako kumain at uminum na lang ng dugo nasa harapan ko.

"Nath kilala mo ba ang susunod na Reyna?" tanong ni Alwin kaya napabaling ang tingin ko sa kanya. Bwisit ka Alwin, alam mo ba yun?

Vampire Queen's Runaway DaughterKde žijí příběhy. Začni objevovat