<#51.Inside the Forest of Mixtus>

177 14 0
                                    

Nathalia/Nyx' POV


"Nathalia bilisan mo. Baka naghihintay na sila doon." sabi ni Flaurelle sa labas ng banyo.

Naliligo ang bampira eh.

Atsaka, kayo ba ang may laban? Bakit parang mas excited pa kayo kaysa sakin?

Hindi ko na siya sinagot pa at nagbihis na ng damit. Isang sleeveless black sando na pinatungan ng black long sleeve na damit. Pinaloob ko ang kwentas na suot ko.

Lumabas ako ng banyo at naabutan ko si Coral na kumakain ng seaweed.

"Hali na kayong dalawa." sabi ni Flaurelle.

Excited much?

"Easy Flaur. Malamig sa labas kaya magjacket kayo."

Kumuha sila ng mga jacket nila habang nagsusuklay ako ng buhok.

We sneak out of the girls dormitory and make sure that one saw us going to the mini forest.

Ligtas kaming nakarating sa gubat but I sense something... trouble.

"Akala ko ba nandito na sila. Nasaan kaya sila?" bulong na tanong ni Coral.

Malalagot kami kapag nahuli kami ng mga gurong naglilibot.

May naramdaman akong papalapit samin kaya hinawakan ko sa kamay sina Coral at Flaur at tumalon ng mataas para makatungtong sa puno. Napatakip ng bibig si Coral ng muntikan na siyang sumigaw.

"Sigurado akong may narinig ako kanina dito." rinig kong sabi ng isang lobo na guro. Suot niya ang isang shaded yellow vest, ibig sabihin ay guro siya ng Grade 8.

"Baka hayop lang Don." sabi naman ng isa pang lalaki, isa din siyang lobo na may suot na blue vest.

"Baka nga."

Umalis na sila doon pagkatapos.

"Muntikan na iyon ah." bulong ni Flaur. Rinig ko kanina pa ang malakas na tambol ng puso niya kaya napatawa ako ng kaunti.

"What's so funny?" inis na bulong niya.

"Nothing."

"Ayos ka lang ba Coral?" tanong ko.

"Oo muntik lang akong masuka kanina sa biglaan mong pagtalon." sagot niya at sumandal sa puno ng kahoy kung saan kami ngayon.

"Pasensya na." paghingi ko ng tawad. Ngumiti naman siya sakin.

"Flaur, may alam ka bang protection spell?" tanong ko.

"What kind?"

"'Yung hindi tayo mararamdaman ng mga naglilibot dito."

"Meron naman." inilabas niya ang wand at itinutok ito sa bandang itaas namin.

May sinabi siyang hindi ko maintindihan, hindi naman ako witch eh.

May parang bumalot saming hangin at...

"Tapos na." sabi niya.

Bumaba na kami ng puno pero hawak ko si Coral baka mabali pa ang buto nito ako pa ang may kasalanan. Si Flaur naman ay nilabas ang walis niya at doon umupo pababa.

"Ngayon kailangan natin hanapin sina Lorycs." sabi ko.

May kakaibang tunog na naluskos naman sa likod namin kaya inihanda namin ang sarili umatake ito bigla.

"Relax girls, its just us." susuntukin ko na sana si Lorycs ng suntukin ito ni Coral.

"Ouch, para saan yun?" napahawak sa panga si Lorycs.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now