<#82.21st Queen of Vampires vs Blood Breaker, Vrdyllia>

109 9 1
                                    

Third Person POV


Habol habol ng Blood Breaker ang kanyang hininga at walang buhay na tinignan ang Reyna ng mga bampira ng ika-dalawampu't isang henerasyon.

"Kaya mo pa ba?" panghahamon ng Reynang si Villaine sa Blood breaker na si Vrdyllia.

Sumugod silang dalawa sa isa't isa habang umaapoy ng pula at asul ang kamay ni Villaine. Gulat na natigilan si Villaine nang mawala sa harapan niya ang kanyang kalaban.

*growl*

"*grrrrrrr*"

Napalingon si Villaine ng may marinig siyang ugong ng isang lobo sa kanyang likuran ngunit wala ito doon.

Nagulat ang lahat sa Luer at ang iba ay napahinto sa paglalaban ng marinig nila ang kakaibang alulong ng lobo.

Iba ito sa karaniwang lobo sa Immortalis. Matalim at malakas ang alulong na narinig nila.

Bilang lumitaw ang puting usok na pumalibot sa buong Luer.

Ang lahat ng mga Blood Breaker ay nagtipon tipon at pinalibutan ang mga pinuno ng bawat lupain kasama na ang walang malay na si Vrnyxia para maprotekhan nila.

*growl*

"*grrrrrr*"

Mula sa makapal na puting usok, lumitaw ang dalawang umiilaw na pulang bilog.

Biglang humawi ang puting usok at isang puting lobo na may pulang mata ang lumabas na siyang ikinagulat ng lahat.

"*grrr*rawr*"

Pinalabas ng puting lobo ang matatalim niyang pangil at masamang nakatingin kay Villaine.

"Magpakilala ka lobo!" utos ni Villaine sa puting lobo ngunit nanatili itong umungol na parang nanghahamon.

"Lia."

Bulong ng Ama ni Vrdyllia na si Lykus. Nakilala niya ito na si Lia ang puting lobo dahil walang puting lobo sa Manwulf na may pulang mata. Katulad ng ibang lobo, ang puting lobo ay may matingkad na kulay dilaw na mata.

Narinig ito ni Villaine kaya ngumisi siya kahit hindi niya alam kung kanino ito nanggaling.

"Ahh ikaw pala iyan Vrdyllia. Lalabanan mo ba ako gamit ang anyong 'yan?" buong lakas na sabi ni Villaine na narinig ng lahat dahil sa katahimikan.

Sumugod ang puting lobo kay Villaine na siyang ikinagulat niya dahil sa bilis nito. Napalihis si Villaine ngunit hindi na niya naiwasan ang kalmot na paparating.

"Ahh!" daing ni Villaine at hinawakan ang kaliwang braso niya.

"Anong?!" gulat na sambit niya pa ng hindi niya tuluyang magamot ang kalmot at nag-iwan na lamang ito ng marka.

Dahil sa inis ni Villaine sinugod niya si Lia na umaapoy ang buong katawan.

Mabilis na iniwasan ni Lia si Villaine kahit na nasa anyong lobo ito.

Tumalon paatras si Lia ng sisipain na sana siya ni Villaine.

"*grrrr*"

"Iiwas ka na lamamg ba Blood Breaker?" nakakatakot na sabi ni Villaine. Maraming boses ang maririnig sa kanya kaya nakakakilabot itong pakinggan.

Ang ibang blood breaker ay alerto lang dahil nandyan pa rin ang mga rogue vampires at ang mga rebelde na pinamumunuan ni Treminus.

Sumugod muli si Villaine at sinalubong naman ito ni Lia. Hindi masundan ang mga galaw at pag-atake nila sa isa't isa hanggang sa napatigil sila ng matamaan si Lia sa gilid ng sumuntok si Villaine. Naging itim ang balahibo ni Lia at may tumulong dugo mula doon.

Vampire Queen's Runaway DaughterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora