<#64.Conflicts between Siblings>

156 9 0
                                    

Vrnyxia's POV

*tok*tok*tok*

Sasagot ba ako? Pero malalaman nilang nandito ako sa loob.

Hindi ko mawari kung sino ang nasa labas.

"Mahal na Prinsesa, alam kong nandyan kayo sa loob. Ako ito, si Jing Green."

Si Ms. Jing?

Binuksan ko ang pinto.

"Magandang araw mahal na prinsesa. Hindi nga matatawaran ang kagandahang taglay niyo." pambobola niya sakin.

"Magandang araw." sabi ko at pinapasok siya.

"Kamusta si Ina?" nag-aalalang tanong ko.

"Ang mahal na Reyna ay ayos lamang Prinsesa Nyx. Napakalakas ng suntok mo na nakapatalsik sa Reyna." namamanghang sabi niya.

"Bukod kay Ina ay sino pang nakakaalam na ako yung sumuntok sa kanya?"

"Ayon sa obserbasyon ko ay mukhang ang Reyna, si Prinsesa Lia, ang apat na nakakatandang Prinsipe at Prinsesa ng ibang lahi at si Prinsipe Zed ang nakakaalam pa lang." sabi niya.

"Hmm... Nga pala anong ginagawa mo dito Ms. Jing?"

"Tanghalian na mahal na Prinsesa kaya nais ng Reyna na sama samang kumain." nakangiting sabi niya.

"Maaari bang mamaya na lamang ako kumain?" umiling naman siya sa tanong ko.

"Ang nais ng Reyna ang siyang---"

"---masusunod. Pero paano ang mga tagapaglingkod sa palasyo?"

Pinakita niya ang isang kwentas.

"Pinabibigay ni Prinsesa Lia." sabi niya at binigay sakin ang kwentas.

"Ang sabi ni Prinsesa Lia ay maaari mo itong suotin kung hindi mo nais na makilala ng iba maliban sa inyong magkakapatid at sa aming nakakakilala na sayo." dagdag pa niya.

Sinuot ko yung kwentas at pinaloob sa damit ko.

"Kung ganun ay halika na Ms. Jing." at nauna ng lumabas ng silid ko.

Tinungo namin ang dining room at nakita kong naroon na sila Coral at iba pa kasama ang kapatid nila. Nasa mesa na ang mga pagkain ngayong tanghalian ngunit may mga tagapaglingkod pa rin sa gilid ng silid.

"Mga tagapaglingkod maaari na kayong umalis." mukhang nahalata ni Ms. Jing na ayokong kumain na may ibang nakatingin lamang.

Isa isa silang nilalisan ang silid kaya agad akong lumapit ako kila Coral.

"Nathalia uhm Nyx saan ka ba nanggaling?" agad na tanong ni Flaurelle.

"Uhm... Si Ms. Jing ang naglibot sakin." sabay turo kay Ms. Jing na nasa tabi ko na nakakunot noo dahil sa pinagsasabi ko.

"Ha? Ahh oo, ako ang kasama niyang libutin ang palasyo."

Nagpasalamat naman ako sa kanya ng walang boses.

"Hindi ko talaga kilala ang babaeng 'yun Dawn." rinig kong sabi ni Ate Zawn.

"Kahit nga ako ay hindi ko rin siya kilala. Ngayon lamang ako nakaramdam ng isang napakalakas na enerhiya." hindi makapaniwalang sabi ni Kuya Zhaf.

"Yeah but I still want to have a go with her." sabi ni Kuya Drax.

Bakit naman hindi? Hehe (*^o^*)

"Yeah, we want to see your butt kick. Hahaha" natatawang sabi ni Ate Zaf.

Umupo sila sa mga upuan nila.

        3  5  7  9  11
Q|       T A B L E       | 1
        2  4  6  8  10  me

Vampire Queen's Runaway DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon