<#80.Attending the Red Moon Celebration>

102 9 0
                                    

Vrnyxia's POV


"Ang putla mo Nyx." sabi ni Kate.

"Oo nga parang multo." sabi naman ni Maya.

"Hoy hindi kaya. Kagagaling niya lang sa paggaganap kaya natural lang iyon." sabi naman ni Darcey. Mas matanda pala ng ilang taon si Darcey kaysa sa dalawa.

"Nyx sigurado ka bang ayos lang ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Mama Merlita.

Sobrang putla ko kasi na parang inubusan ng dugo sa katawan. Samahan pa ng maputla kong bibig.

"Oo Ma, ayos lang naman ang pakiramdam ko." nakangiti kong sabi.

Ilang ulit na akong nakainom ng dugo pero maputla pa rin ako at nanghihina. Ni hindi makatayo o umupo ng matagal dahil hindi ako komportable. Hindi ko alam pero gusto kong tumakbo.

(Hindi ka na nga makatayo ng matagal, tatakbo ka pa? Sabihin mo nga ang totoo Nyx, may sira ka ba sa ulo?)

Abah tanungin mo ang sarili mo n'yan. Ikaw yung nagsusulat eh.

(Tsk!)

"Hindi ba inaabot ng 18 oras ang paggaganap? Bakit kay Nathalia ang ikli lang tss? Parang hindi naman yata fair yun." tanong ni Kyline.

"Seriously Kyline, sayo pa talaga nanggaling ang salitang fair ha?!" tinaasan ko siya ng kilay.

Siya nga yung unfair sa lahat tapos yan pa yung sasabihin niya tss.

"Iba kasi ang paggaganap ng mga susunod na reyna lalo na't hawak nila ang apoy ng bahaghari, puti at itim. Mas maikli ang sa kanila kumpara sating mga ordinaryo lamang pero mas masakit daw ang sa kanila. Kaya huwag mong naisin ang paggaganap ng susunod na Reyna dahil hindi mo kakayaninin ito." sabi ni Tita Ria. Napairap naman si Kyline sa narinig niya.

Napasandal ako sa upuan upang maging komportable ang pag-upo ko pero naging salungat ito sa gusto ko.

"Natural lamang na naninibago ka Nyx pero hindi ka pwedeng tumakbo." sabi ni Nay Anna na nakangiti.

"Bakit hindi ako maaaring tumakbo?" nabusangot kong tanong.

"Dahil nanghihina pa ang tuhod mo at hindi nito kakayanin kapag tumakbo ka. Inaayos pa kasi bagong estraktura ng buto upang maging magaan at mas matibay kaysa dati." sabi ni Tito Hans.

"Kaya pala naninibago at hindi ako komportable."

Tanghalian na at unti unti na akong naging komportable. Nakaupo ako dito sa sofa sa sala kasama si Kyline na nakapikit habang nakasandal sa sofa.

Kailangan pala niyang dumalo sa pagdiriwang ng huling araw ng Moon Festival, ang Red Moon.

"Kyline." tawag ko sa kanya.

"What?!"

Tss, taray.

"Dadalo ka ng Pagdiriwang mamaya."

"No, I won't."

"Hindi tanong 'yon Kyline. Isa 'yong utos. Dadalo ka kasama 'ko." sabi ko.

"Dadalo ka?" tanong niya na nakataas ang isang kilay.

Tumango lang ako.

"May ibang lahi ang dadalo doon baka hindi ka pa sanay na maamoy ang dugo nila."

"I can take care of myself." sabi ko at inirapan siya. Tumayo ako at pumunta sa kusina.

"Mama may kilala ka bang mabilis gumawa ng gown?" tanong ko ng makarating ako sa kusina. Nandoon sina Mama Merli, Nay Anna, Nay Lucy, Tita Beth (Ina ni Lily Joy) at Tita Ria.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now